5 /First Day/

6.7K 291 11
                                    


Marliyah's POV

Masaya kaming nagkwe-kwentuhan ni Melody sa kwarto namin tungkol sa pagkapasa at pagkapasok namin sa top 5 ng top 100 selected students ng Atlantis Magic Academy.

Ngayong araw din ang aming unang araw namin bilang opisyal na estudyante ng AMA. Nakasuot kaming pareho ni Melody ng uniform ng AMA. Isang white blouse na may blue vest at logo ng AMA sa left chest, white ribbon na may blue lining, ganoon din ang skirt namin na above the knee, kulay white at may blue lining and white shoes.

Tinali ko ang buhok ko into messy space bun at ready to go na. As usual naka-pigtail naman ang mahabang buhok ni Melody at may nakasabit na headphones sa leeg niya.

"I like your hair color. Ang cool." puri ni Melody sa kulay ng buhok ko.

It's actually dazzling white at talagang nakakaakit sa mata. It's natural here in Agartha for having a different hair colors. Mas umangat lang siguro ang kulay ng buhok ko dahil sa kadahilanang white din ang buhok ni Mama.

"I like your hair color too." puri ko din sakanya at pareho kaming natawa.

Mabilis kaming lumabas ng room namin atsaka kami dumiretso sa hall kung saan gaganapin ang welcoming feast para saaming mga 100 freshman ng AMA.

Agad din kaming nakarating sa hall at nakita namin yung mga kapwa namin freshman na nakapila sa labas ng hall. Nakipila na din kami ni Melody at kita namin ang saya ng bawat isa.

'Nakaka-proud lang dahil nakapasok ka'sa isang kilalang magic school'

"Attention everyone! The alignments are based from ranking, first alignment are from top to bottom. So now moved!"

Rinig naming lahat ang malakas na sigaw ng isang babae. Naka-uniform din siya gaya namin pero senior. May kanya-kanya kasing emblem sa right chest ng vest namin, iba-ibang emblem per year.

"Top to bottom daw!"

"Oh my! Pati ba naman sa linyahan may hierarchy!"

"Tara nasa likod!"

Nagkanya-kanya silang diskusyunan matapos ang announcement kaya wala kaming nagawa kundi sumunod. Naglakad kami ni Melody papunta sa harap dahil kaming dalawa ang kasali sa top 5.

Pumila ako sa likod ng babaeng may violet ang buhok dahil siya ang nangunguna saamin, pumangalawa ako at may dalawa pang estudyante sa likod ko bago kay Melody at sunod-sunod na ang pila.

"Suit your best smile before you enter the hall. Got it?" sabi ulit noong babae at agad na bumukas ang gintong double door at tumambad saamin ang napakaraming estudyante na nasa loob.

Mga dating estudyante ng AMA at masaya kaming pinalakpakan pagkapasok na pagkapasok namin sa loob kaya ngumiti nalang ako sakanila gaya ng utos ng babae kanina.

Nakalatag din ang mga iba't-ibang pagkain sa mga naglalakihang mga lamesa. May mga nagliliparan ding mga ibon sa taas at ang araw na siyang nagsisilbing ilaw sa lahat, kita ko naman ang mga nakangiting mukha ng iba't-ibang officials ng AMA na nakatayo sa harap.

Nagkatinginan kami ni Headmistress Veronica kaya tinanguan ko siya bilang respeto. Marami silang officials ng AMA pero nakakatawag pansin ang mga limang estudyante na kasama nila sa harap.

Hindi ko sila kilala pero ramdam kong may mataas silang katungkulan para mapabilang sa mga officials. Sinenyasan kaming huminto atsaka kami nag-bow sa lahat. Napuno naman ng palakpakan ang buong hall, nasa ganoon akong posisyon ng mahagip ng mata ko ang isang pares ng mata na nakatingin saakin.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon