29 /Full Moon/

3.9K 178 16
                                        


Third Person's POV

Makikita ang isang grupo na nakaantabay sa isang babae na kasalukuyang isinasayaw ng isang prinsipe, ang luminous ball na ginaganap tuwing may malaking events tulad na lamang ng Festival of Magic.

"Guys! Be ready, standby on your position." bulalas ng isang babae sa kanyang mga kagrupo habang nakaposition sa kanilang pwesto at naghahanap ng tamang tiyempo sa balak nilang masama.

Siya ang babaeng traydor sa loob ng Atlantis Magic Academy, hanggang ngayon wala pang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao dahil magaling siyang magpanggap at dahil narin sa suot nitong special amulet na kayang itago ang kanilang totoong kapangyarihan at pagkatao.

"Kanina pa kami naka-position dito at kanina pa kami naghihintay." sagot ni Raven sa pamamagitan ng telepathy ni Night.

"Shut up you dumbass! We needed the right timing, isang maling kilos natin at mabubulilyaso ang lahat!" sigaw ng babaeng traydor sa kanyang isipan habang pangiti-ngiti sa mga nakakakita sakanya.

"Chillax bro, once we accomplished our mission, pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo." sagot naman ni Damon kay Raven.

"Hell yeah!" sagot nito na tila nakarinig ng magandang balita.

"Tsk! These three idiots is pain in the ass!" mura ni Zoila sa tatlong lalaki. Nakakubli si Zoila sa isang mataas na puno habang nakasulyap sa masayang pagdiriwang ng luminous ball.

"What did you say!?" sabay na tanong ng tatlo pero suminghal lang si Zoila.

"Enough! Hindi tayo nagpunta dito para magbatuhan ng mga walang kwentang salita, nandito tayo para patayin si Marliyah!"

Pasimpleng ngumingiti ang traydor na babae sakanyang mga kasama dahil kasama siya sa luminous ball at pilit niyang pinapakita na maayos ang kanyang postura pero iba ang sinasabi ng utak niya dahil sa bangayan ng mga kasama niyang lalaki.

Hindi na sila nagtalo pa kaya nagpatuloy na lamang sila sa kanilang plano at humanap ng tamang tiyempo, sa pagpatak ng hatinggabi lalabas ang ikalabing-isang sagradong buwan, kung saan magigising ang tulog na kapangyarihan ng mga wizards and witches.

Ang gabi din kung saan magigising ang natatanging kapangyarihan ni Marliyah. Doon ang tamang tiyempo ng babaeng traydor para patayin si Marliyah alang-ala sakanilang mahal na reyna.

'Ang reyna ng kadiliman, ang Reyna Vexana'

Halos hindi maipinta ang ngiti ng babaeng traydor hindi dahil sa mga nginingitian niyang mga kasamahan kundi sa matagumpay nilang plano laban kay Marliyah.

--

Marliyah's POV

Nasa kalagitnaan kami ng pagkwe-kwentuhan nina Melody at Scarlet ng may lalaki ulit na lumitaw sa harap ko at nakita ko ang isang matipuno at makisig na binata, nakasuot ito ng red tuxedo at naka-bowtie, clean-cut ang buhok nito at ang nakakapang-akit niyang mga mata.

"Can i have a dance with you?" tanong ni Prince Xyrell sa malaki at malalim niyang boses.

I was taken a back at tila ba nawala ang boses ko at hindi ko alam kung saan ko huhugutin, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sakanya? Napatingin ako kila Scarlet at Melody at kilig na kilig naman sila.

"Go na girl!" sabay na sabi nila.

Tinago ko ang ngiti sa labi ko kaya inabot ko ang palad niya at sabay tayo, dinala niya ako sa gitna kung saan ang dancefloor. Actually maraming nagsasayaw pero bigla silang nagsialisan lahat ng makita kami.

"OMG! Is that Fafa Xyrell?"

"Heck! Ang pogi ni Prince Xyrell!"

"Who's that girl? Isn't that Princess Victoria?"

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon