36 /Revival/

3K 123 3
                                    


Third Person's POV

Nabalot ng kadiliman ang buong kalangitan ng Agartha matapos ang pagsugod ng mga Etherian, ang grupo ng traydor na si Cynthia, ang Demonic Reapers sa paaralan ng Atlantis Magic Academy.

Kaliwa't kanan ang sagupaan ng mga estudyante at mga demonyo sa loob ng AMA. Buong tapang at lakas namang lumaban ang Elites, Royal Bearers, sina Scarlet at Melody, kasama na din ang Bathaluman ng buwan, si Marliyah.

Unti-unting kinakain ng galit at poot ang puso ni Marliyah dahilan para malinlang siya ng mga kalaban, at mas lalo pa siyang nagngalit dahil sa nasaksihang pagsaksak sa kanyang kaibigan na si Zach.

Mas lalong nagalit si Marliyah at may kakaibang puting liwanag ang kusang lumabas sa katawan niya dahilan para mapuksa ang mga demonyo. Kasabay naman noon ang pagtakas nila Cynthia matapos pakawalan ni Marliyah.

Purong kasamaan na ang bumabalot sa katawan ni Cynthia at gagawin niya ang lahat para mapatay si Marliyah at mabuhay ang kanyang kinikilalang reyna ng kadiliman.

Nawalan muli ng ulirat si Marliyah at nasalo ni Prinsipe Xyrell bago pa ito bumagsak, lahat sila ay labis na nanghihina at sugatan dahil sa pakikipaglaban.

Agad naman silang nagtungo sa pagamutan sa loob ng paaralan para maagapan ang mga sugat nila, lalo na si Zach na nasa bingit ng kamatayan dahil sa nasaksak nitong puso.

Sa malayong lugar ng Agartha ay makikita ang isang parte kung saan nababalutan ito ng kadiliman, makulimlim ang kalangitan at maririnig ang kulog at kidlat.

Mapapansin ang malaking butas sa lupa kung saan wala kang makikita kundi purong itim at maririnig ang mga panaghoy ng mga namayapa, ang dating kinatatayuan ng kaharian ng Etheria.

Matatagpuan na ito sa pinakailalim ng lupa kung saan ang dating kaharian ng Etheria ay sira-sira at wasak-wasak na, kasama nitong lumubog ang mga Etherian na kinain na rin ng lupa.

Sa pinakailalim nito ay nakatayo si Thanatos sa harap ng labi ng kanilang reyna, at hawak-hawak nito ang isang itim na chalice at may nakapalibot na dalawang black serpent sa hawakan nito.

Ang chalice ay naglalaman ng dugo ni Marliyah, nagawang sugatan ni Cynthia si Marliyah noong naglalaban sila at mabilis itong ipinadala ni Cynthia kay Thanatos para simulan ang kanyang ritwal para buhayin si Reyna Vexana.

"With this blood of the of the great white witch and a goddess of the moon, in the name of our almighty Perses, god of dark and destruction, i offer this sacred blood to be blessed by your tremendous power, grant my order and give life to your beloved daughter Vexana to rised once again and continue your legacy, I Thanatos your loyal servant begging for your sanction!"

Umalingawngaw ang boses ni Thanatos habang nakataas ang hawak niyang chalice na naglalaman ng dugo ni Marliyah at habang humihingi ng basbas sa kanilang panginoong si Perses ang bathala ng kaguluhan, kadiliman at pagkawasak. Kasabay noon ang tuluyang pagliwanag ng kalangitan at mas lalo itong nabalutan ng lumitaw ang kulay pulang liwanag mula kalangitan pababa mismo sa hawak na chalice ni Thanatos at hudyat na binigyang basbas na ng bathala ng kaguluhan ang ritwal ni Thanatos.

Nasaksihan din nina Cynthia ang lahat at hindi nila maiwasang makaramdam ng takot dahil sa lakas ng pwersa ng kapangyarihan ng isang bathala at pagkatuwa dahil matutupad na rin sa wakas ang inaasam nilang pagkabuhay ng kanilang pinakamamahal na reyna.

Nawala ang pulang liwanag dahil tapos na itong basbasan at labis naman ang tuwa at ngiti sa labi ni Thanatos, mabilis niyang ibinuka ang bibig ng nahihimlay na si Vexana na nasa anyo at wangis ni Marliyah. Nakaw at Huwad

Ipinainom ni Thanatos ang dugo kay Vexana atsaka ito lumayo ng bahagya, ilang segundo ang nagtagal bago tuluyang dumilat ang mga mapupulang mata ni Vexana.

'Muling pagkabuhay ni Vexana'

Tumayo ito sa pagkakahiga at kasabay noon ang sigaw ng mga panaghoy ng kanyang mga namatay na nasasakupan, ang reyna ng kadiliman ay muli ng nabuhay.

"Welcomed back our Queen Vexana."

Magalang na bulalas ni Thanatos at lumuhod sa harap nito, ganoon din sina Cynthia at mga kasamahan niya, labis din ang kanyang tuwa.

Umalis at tumayo sa pagkakahimlay si Vexana at marahang pinagmamasdan ang kanyang bagong katawan at wangis.

"Mirum corpore multa Thanatos." pagkamangha ni Vexana sa bago niyang katawan sa lenggwaheng Etherian.

Ramdam din nila ang lakas ng kapangyarihan ni Vexana at tila ba nawalan sila ng hininga at boses dahil hindi nila magawang sumalungat sa pinakamamahal nilang reyna.

"Ubi arma mea?" tanong ni Vexana sa kanyang sandata.

Tumayo sa pagkakaluhod si Thanatos at naglakad sa gilid at kinuha ang makapangyarihang espada ng kanyang reyna, si Vexana lamang ang tanging nakakagamit sa kapangyarihan nito dahil sakanya ito pinagkaloob ng kanyang panginoon.

'The sword of dark and destruction'

Agad itong ibinigay ni Thanatos sa kanyang reyna ang espada. Isang itim na espada na may dalawang itim na ahas sa palibot ng hawakan nito at isang bungo sa dulo na sumisimbolo ng kamatayan.

Pinadulas ni Vexana ang daliri niya sa talim ng espada niya at kahit ilang daang taon niya itong hindi nahawakan at nagamit ay hindi nawala ang talim nito.

"Merliyah mori parati..."

Malakas niyang iwinasiwas sa ere ang kanyang espada at nagdulot iyon ng itim at malakas na pwersa dahilan para mas lalong mawasak ang iilang nakatayong imprastraktura sa kaharian ng Etheria.

"Surge mihi in regnum, Etheria salvete omnes!"

Malakas na sambit ni Vexana habang nakataas ang kanyang espada at kasabay noon ang paglabas ng itim at pulang liwanag at paakyat ito sa kalangitan, kulog at kidlat ang namutawi sa kalangitan at malakas na dumagundong ang lupa.

Unti-unting umangat sa kailaliman ng lupa ang dating kaharian ng Etheria at unti-unti ulit na nabuo ang wasak at sirang kaharian. Nabuhay din muli sa kamatayan ang mga namatay na mamamayan ng Etheria.

Ganoon din ang kakaibang mga nilalang na sakop ng Etheria, lahat ay nagbalik mula sa kamatayan at upang maghasik ng lagim at kaguluhan sa buong Agartha. Ngayong nagbalik na ang Etheria at ang kanilang reyna.

Wala ng makakapigil pa sakanila, nagbalik si Vexana upang maghiganti sa mga nagpatalsik sakanya, nagi-igting din sakanya ang pagnanais na mapatay si Merliyah, ang grand white witch na siyang pumatay kay Vexana.

'Ang kanyang mortal na kaaway'

"Go Etherians! Leave and kill every living things in Agartha. Spread darkness and give no mercy!"

Utos ni Vexana sakanyang mga alagad at mabilis naman silang nagsisunod para magpalaganap ng kaguluhan at kadiliman sa mundo ng Agartha.

Sa muling pagkabuhay ng reyna ng Etheria ay kakambal nito ang bagong pag-usbong ng kaguluhan sa mundo ng Agartha.

Ngayong nabuhay na muli si Vexana sa huwad na katauhan ni Marliyah ay handa siyang magpalaganap ng matinding kaguluhan at kasawian, sa matagal niyang pagkakahimlay ay hindi rin nagbago ang kanyang hangarin para labanan at patayin si Merliyah.

Sa kabilang banda, napatigil naman ang mga mamamayan ng Agartha dahil sa kakaibang nangyayari sa kalangitan at hindi rin magkandamayaw ang mga ibon at ibang nilalang sa himpapawid.

Rumagasa ang kakaibang nilalang sa kalangitan at mabilis nitong inatake ang mga tao at mga karatig bayan dahilan para magkagulo ang lahat.


~~
Eyy Potchie's! Kamusta kayo? Pasensorry sa super tagal na update, and sorry kung maikli lang 'tong chapter na'to since highlights lang naman ng pagkabuhay ni Vexana. Sana magustuhan niyo, yun lang.

Thank you :)

Pls vote and comment.

@LhemorPatchie

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon