28 /Luminous Ball/

3.8K 176 5
                                    


Marliyah's POV

Mabilis akong bumalik sa dorm namin at mabilis din akong humilata sa kama ko, doon ko naramdaman ang tunay na antok at pagod, kahit sobrang exhausted ng katawan ko ay nagawa ko pang isipin kung sino nga ba yung naka-engkwentro ko kanina. Hindi rin ako mapakali dahil sa kadahilanang may outsider na nakapasok dito sa AMA.

Paano? May malakas na barrier ang buong AMA at hindi ito basta-basta napapasok ng hindi estudyante ng AMA at kusa nitong tinataboy ang may masamang balak. Depende nalang kung may nagpapasok.

'Who could it be?'

Sumakit lang ang ulo ko ng subukan kong isipin kung sino ang posibleng nagpapasok ng outsider dito. Umiling nalang ako at hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano, saka ko'na iisipin ang mga bagay kapag nakakuha na ako ng tulog.

Scarlet's POV

Sabay kaming nagkibit balikat ni Melody dahil sa kakaibang kinikilos ni Marliyah. Melody and I was literally in shocked when we found out that she was defeated; by a prince. I know she's strong and yet become powerful, i just can't accept that she was defeated.

Well if you're strong and powerful that doesn't mean you're always won in every battle, victory was also accepting defeat.

Hindi nalang ako nag-isip pa at hinayaan nalang si Marliyah. She's been weird this past few days. I wonder what's bothering her?

Time passed at natapos din ang Magic Games kung saan ang main highlight ng Festival of Magic. Lumitaw sa hologram ang mukha naming tatlo nina Melody at Marliyah at pasok kami sa grand finals at may chance na makalaban ang mga Royal Bearers.

Headmistress Veronica was later announced the ball that was going to held later. The Luminous Ball, hindi nawawala ang luminous ball kapag may ganitong event para magbigay pugay sa mga nakilahok ng Magic Games at para narin makipag-socialize sa mga students ng iba't-ibang academies.

"Waahhh!!! Excited na ako mamaya para sa luminous ball. This is what I've been waiting for. Girl let's shopping." excited na bulalas ni Melody.

"Okay let's go. How about Marliyah?"

"Let's just buy her a dress." sabi niya kaya sumang-ayon nalang ako.

May sariling malls and restaurants ang AMA kaya kahit hindi ka'na lumabas pa ay nasa mismong school na ang ka-kailanganin mo. Inaliw namin ni Melody ang sarili namin sa pagwi-window shopping at tuwang-tuwa naman siya at ganoon din ako.

"Which one should i buy? This or this?" tanong ni Melody at ipinakita saakin ang red at purple dress.

"I think red suits you." i said while picturing her in my mind wearing a red dress.

"Nah! I think this dress suits me." binalik niya yung dalawang dress at kinuha ang blue green na dress at humarap sa salamin.

"Pinapili mo pa ako, yan din naman pala pipiliin mo." sabi ko at natawa siya.

"Well i like it, ikaw anong napili mo?" tanong niya habang pumipili din ako ng dress.

"Bagay ba ito saakin?" tanong ko at ipinakita ang isang violet tube dress.

"Hmm no, mas bagay sayo yung pink." sabi niya at siningkitan ako ng mata at kinuha yung pink dress at pinatong sa katawan ko.

"Nice, pink suits you." puri niya.

"I don't think so? Maybe this one."

Binalik ko din yung dress na sinasabi niya at kinuha yung color scarlet na dress at humarap din sa salamin habang nakapatong sa harap ko yung napili kong dress. It's cute.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon