40 /Paradise of Eden/

2.2K 121 6
                                    


Marliyah's POV

Napadilat ako ng mga mata pero agad din akong napapikit dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, kita ko ang maaliwalas na kalangitan, ang mga ibon na masayang lumilipad sa himpapawid, ang malamig at sariwang hangin, at ang mga magagandang puno sa paligid at presko at mayayabong na mga damo.

Hindi ko alam kung nasaan ako kaya napabangon ako sa pagkakahiga at pilit na inaalala ang lahat ng nangyari saakin. Pamilyar saakin ang buong paligid pero hindi ko maaala? Pakiramdam ko ay nakapunta na ako dito noon pa pero wala akong maalala.

Doon ko rin napansin na nakasuot ako ng puting mahabang bestida, may mga palamuti itong mga diyamante sa manggas at laylayan nito, naramdaman ko din na may suot akong bakal sa ulo ko.

Doon ko napagtanto na isang gintong korona ang suot ko, may suot din akong mga polseras at kwintas na gawa rin sa ginto at mga diyamante, ang buhok ko ay tuluyang naging kulay ginto.

'Anong nangyari?'

Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ako nakasuot ng ganito? Patay na ba ako? Nasa Celestial Island ba ako kung saan ang himlayan ng mga namatay na mga magigiting na bathala at bathaluman.

May kung anong pumitik sa utak ko at bigla kong naalala ang lahat, mula sa Atlantis Magic Academy kung saan muling sumugod si Cynthia at kung saan kami naglaban, nawalan ako ng malay dahil sa pagliligtas ko sa buong AMA.

Sandali? Patay na nga ba ako? Kung iintindihin ko ng mabuti ay parehong-pareho ang buong paligid sa kung anong itsura ng Celestial Island. Hindi pwede, hindi pa ako pwedeng mamamatay.

Lalo na't alam kong may panganib na banta ang AMA dahil sa kadahilanang pagbuhay ni Cynthia sa kanyang reyna, manganganib ang buong Agartha kapag nagkataon.

Tumayo ako at nagpalinga-linga, wala akong makitang kahit sino kundi mga nilalang at mga halaman at puno. Kailangan ko ng bumalik, pero hindi ko alam kung paano?

Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili ko pero ilang segundo ang nakalipas ngunit wala paring nangyayari. Bakit ako nandito?

"Marliyah,"

Napatingin ako sa likod ko dahil may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang isang pigura ng lalaki na nakasuot ng puting kasuotan na gaya sa hari, may suot din itong korona at may gintong buhok, may mga palamuti din siya sa magkabilang kamay at leeg.

Ngunit kumunot ang noo ko dahil hindi ko maaninag ang mukha niya dahil purong liwanag lang ito. Biglang kumabog ang puso ko at hindi ko alam kung bakit?

"Sino ka?" tanong ko.

Hindi nakakasilaw ang liwanag sa mukha niya at pakiramdaman ko lumungkot ang itsura niya kahit hindi ko naman nakikita. At bakit parang kumirot din ang puso ko sa kadahilanang iyon.

"Nagagalak ako at bumalik ka, handa kana at kailangan mo ng harapin ang kapalaran mo." sambit nito sa malaki at malalim na boses.

Kahit ang boses nito ay pamilyar pero hindi ko maalala kung saan at kailan? Parang kilala ko na siya noon pa.

"Sino ka? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin?" sambit ko rin sakanya at labis parin ang tibok ng puso ko.

"Nalilito ka ngunit nakikita kong handa kana. Halika..."

Itinaas niya ang kanan niyang kamay habang nakaturo saakin at tila ba sinasabi niya na abutin ko ang palad niya, pero nagda-dalawang isip ako, may kung ano sa loob ko na naguguluhan.

"Sumama ka saakin at malalaman mo ang lahat." 

Sa pagkasabi niyang iyon ay tila ba nakumbinsi ako dahil agad kong inabot ang palad niya at kasabay noon ang pagbalot saamin ng nakakasilaw na liwanag.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon