20 /Ignis/

5.2K 217 4
                                    


Marliyah's POV

Napamulat ako ng mata at isang puting kisame ang bumungad saakin at isang solar bulb. Ramdam ko din ang malaki at malambot na kamang kinahihigaan ko. Napaikot ako ng mata at sinuri ang buong kwartong kinaroroonan ko.

'Where the hell am I'

Bumangon ako sa pagkakahiga at agad akong napasinghal dahil sa pagkirot ng ulo ko. Medyo nahilo din ako dahil doon. Ano bang nangyari? Pumikit ako at pilit na inalala ang buong nangyari at doon ko naalala lahat.

Ang biglaang pagsugod saamin ng mga Assassins at ang laban namin sa pagitan ng isang wizard. Kung ganoong nakahiga ako dito sa isang maaliwalas na kwarto ay malamang nandito na kami sa loob ng Ignis.

'Nayon sa labas ng Alastair Kingdom'

Umalis ako sa kama at naglakad, napansin ko din ang itsura ko sa full length mirror. Iba na ang suot ko mula sa suot ko kaninang white cloak, isang puting bestida na ang suot ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil lahat nalang ay puti, mula sa buhok, silver eyes, flawless skin at suot kong bestida.

Umiling nalang ako at lumabas ng kwarto. Hinagilap ko ang mga kasama ko lalo na si Melody, maraming pinto akong nakita pagkalabas ko at masasabi kong isa itong Inn. Bumaba ako ng hagdan at dinala ako ng mga paa ko sa living area at doon ko nakita ang mga kasama ko.

"OMG! Marliyah you're awake!"

Irit ni Melody ng makita niya ako at bigla akong niyakap. Napatingin na din saakin yung iba naming kasama kaya tinanguan ko nalang siya at ganoon din ang mga kasama namin.

"Mabuti naman at gising ka'na. Maayos ba pakiramdam mo?" tanong ni Princess Meredith ng iginiya nila akong paupuin sa sofa.

"Yeah, i just feel dizzy." sagot ko.

"Akala namin aabutin ka'pa ng dalawa o tatlong araw na walang malay. Mabuti nga't gising ka'na." sabi naman ni Princess Iridessa.

"Wait, ilang araw ba akong walang malay?" taka kong tanong.

"Isang araw." taas kilay na sagot saakin ni Princess Victoria kaya tumango nalang ako.

Isang araw pala akong tulog. Paano na yung mission namin? We don't have enough time para mag-aksaya ng oras ng dahil lang sa nawalan ako ng malay. Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ako.

"What about our mission? Nasaan yung mga lalaki?" taka ko ulit na tanong tungkol sa mission namin at sa mga kasama naming lalaki dahil kaming mga babae lang ang nandito.

"They decided to scouted the whole Ignis and gather some informations na makatutulong para mapadali ang mission natin, while the Elites was guarding outside." sabi ni Princess Meredith kaya tumango ulit ako.

Katahimikan ang namutawi at hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa nangyari. Nandito kami sa nayon ng Ignis kung saan kilala daw ang mga tao at magicians dito bilang mga gahaman. Nakapagtataka lang na nagawa nilang makapag-upa ng Inn dito.

*GROORRKK*

Napalaki ako ng mata ng sumiklab ang tiyan ko dahil sa gutom. It's been a day since i last eaten. Sure akong super gutom na ang mga bulati ko sa tiyan.

"Let's discuss later kapag kumpleto na tayo, kumain muna tayo since mukhang gutom na rin si Marliyah." sabi ni Melody na sinang-ayunan naman nila.

Nagtungo kami sa dinning area at naghanda ng makakain. Tahimik naman kaming kumain at hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil kaharap namin ang tatlong prinsesa ng bawat kaharian dito sa Agartha.

Hindi naman namin sila makakasama kundi dahil sa mission namin. Well this is a big privilege to us dahil kasabay namin ang mga prinsesa.

Maayos naman kaming natapos kumain at bumalik ulit sa living area at kasabay naman noon ang pagdating ng mga iba naming kasama. Sila Prince Xyrell at Zach. Nagkatinginan naman kami ni Prince Xyrell at tila ba nagtatanong ang mga mata nito.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon