41 /The Great War/

2.2K 118 8
                                    


Third Person's POV

Makikita sa gitna ng Alastair Kingdom kung saan ang pinakapuso ng limang kaharian ng Agartha, makikita ang mga nagkakagulong mamamayan ng kaharian dahil sa paglusob ni Vexana dala ang kanyang mga alagad na bumangon sa hukay.

'Ang mga Etherian'

Digmaan laban sa kasamaan at kabutihan, nabalot ng madilim na usok ang kaharian ng Alastair at makikita at maririnig ang mga panaghoy ng mga namatay na mga nilalang. Nagkalat ang mga demonyo at nakakapangilabot na nilalang sa bawat paligid.

Walang habas nilang pinagpapatay ang mga tao at mga nilalang na may buhay, si Lilian kasama na ang mga ministry at magic council, at si Prinsesa Victoria na kasalukuyang pinoprotektahan ang kanilang teritoryo.

Wala ang iba nilang mga kasapi dahil nagtungo sila sa kaharian ng Sylas at Elisora para saklolohan ang pagsugod ng mga naturang alagad ni Vexana.

Iyon ang plano ni Vexana upang paghiwalayin ang kanilang hukbo at sila kasama na ang traydor na si Cynthia ang susugod sa kaharian ng Alastair kung saan hindi kumpleto ang kanilang kapangyarihan at samahan.

Kitang itinaas ni Vexana ang kanyang itim na espada, ang espada ng kadiliman at pagkasira na kayang lumipol ng maraming buhay at sumira ng kahit anong kapangyarihan, maliban na lamang sa kasalungat nito.

Mula sa madilim at kumukulog na kalangitan ay isang itim na kapangyarihan ang tumama sa espada nito dahilan para mas lumakas ang kanyang hawak na espada, malakas niya itong iwinasiwas sa kinaroroonan nina Lilian kung saan nagawang mabasag ni Vexana ang kanilang pananggalang.

Ngayon ay wala ng kawala sina Lilian dahil basag na ang nagsisilbi nilang barrier na siyang prumoprotekta sakanilang lahat at manatiling buhay.

Ngunit batid sa kanilang mga mata ang pagpupursigi para talunin at puksain si Vexana at ang kanyang kasamaan. Nakasakay si Lilian sa isang lumilipad na walis at muling lumipad sa ere para ibigay ang hudyat.

"Attack them!"

Malakas na sigaw ni Lilian at sumunod naman ang mga royal guards at mga S class magicians, sabay-sabay silang umatake sa gawi nila Vexana. Iba't-ibang uri ng kapangyarihan ang tumama sa kanilang gawi pero sinangga lang ito ni Vexana gamit ang kanyang espada na parang walang nangyari.

Isang malakas na pagsabog ang naganap dahilan para mabalot ng usok ang buong kaharian, muling nagbigay hudyat si Lilian para atakihin ang hukbo ni Vexana, tinarget nila ang mga halimaw at demonyo na nagkalat sa paligid.

Gumawa naman ng makapangyarihang barrier si Princess Victoria para protektahan ang kanyang mamamayan, sa taas naman ng ere ay makikita si Lilian na nagbibigkas ng mga kakaibang wika habang nabubuo ang isang malaking magic circle sa paanan nito.

'Praesidium Agartha redire profundum abyssi Etherians'

Bigkas ni Lilian kasabay ng pagdilat ng mga mata niya atsaka nagliwanag ang magic circle sa paanan nito at isang malakas na pagsabog ang naganap dahilan para mapuksa ang kalahati ng kanilang hukbo, kasama na ang mga halimaw at mga demonyo.

Nabalot muli ng usok ang buong kaharian at nagtagal ito ng ilang segundo pero laking gulat niya ng isang itim na barrier ang nabuo at prinoprotektahan nito ang mga alagad niya, ang death reapers at bakas sa mga mukha nila ang pagngisi.

Kalahati ng kapangyarihan ni Lilian ang ibinigay niya para mapuksa ang mga kalaban ngunit hindi sapat dahil alam niyang mas malakas ang kapangyarihan ni Vexana, na dati niyang kaibigan.

"Surrender now Lilian! You've got nowhere else to go!"

Malakas at makapanindig balahibong bigkas ni Vexana habang nakatingin kay Lilian na hinang-hina na dahil sa nagamit nitong kapangyarihan. Ngunit wala sa bokubolaryo nito ang salitang pagsuko.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon