CHAPTER 16

1.8K 54 0
                                    

LUNA EL PRENTO

Fear is not on my Vocabulary. My existence is the evidence on how I fight with that bullsht called destiny. Ilang oras na ang nakakaraan simula ng mag-umpisa ang laban sa pagitan ng DEATH at ng VENOM. At masasabi kong pantay ang labanan.

Unang nanalo si Damon laban kay Saint. Ang category nila ay Chain-trap katulad nang nauna. Kaya naging 20-0 ang laban.

Pero ng pangalawa na ay natalo si Eunji sa kalab na may kategoryang TIMELAPSE kung saan may limitadong oras nang pag-atake sa isang kalaban. Which leads to 20-20 tie score.

Sumunod na si Wan na natalo kay Thunder dahilan para maging 20-40 ang laban.

Napasipsip ako ng juice na kakabili lang ni Isaiah. "Deo, you should win this round." Sambit ko sa kanya na ikinatingin samin ni Rafael.

"Eun and Wan just lose, yet you have the audacity to calm down." Nagtinginan sila samin pero napasipsip lang ako sa hawak na inumin.

"I'm not informed that fear is also included in the game." Sambit ko at tumingin kay Deo. "Being calm is a way to win, folks." Sambit ni Deo at binuksan ang chips bago ibinigay sakin.

"Goodluck out there." Ngiti ko sa kanya na ikinailing niya nalang bago bumaba. If shouting will help us win ay malamang ay kanina pa ako nagsisisigaw dito.

"ASSASSINATION!" Napasipol ako bigla. This is different from the other categories. Deo must give me an interesting fight. Or he can just end it quickly.

"Since this is ASSASSINATION Category, you can kill a person." Ngisi ng Mc. Nagsimula na ang tensyon nang parehas silang magtinginan sa isa't-isa.

Pinaglaruan ni Deo ang kutsilyo at bagot na umupo sa sahig tsaka tumingin sakin. Kumaway naman ako taas-taas ang chips na ibinigay niya sakin.

Kita ko naman kung gaano ka-kalmado ang kalaban niya at halatang gusto naring matapos ang laro. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa at halos naglalaro lang silang dalawa ng kutsilyo.

Mukhang walang balak umatake ang dalawang taong 'to. "Kung walang aatake sa inyo, Hindi matatapos ang laro." Alam kong narinig yo'n ni Deo na ikinangisi niya nalang.

Talagang masasabi kong malakas ang pandinig ng isang 'to. Napangisi ako sa mabilisang kilos ni Ripper at ang mabilis na pagtabig ni Deo nang upuan dahilan para ang upuan ang masaksak.

Sumingkit ang mata ng kalaban at inalis ang kutsilyo sa silya. Sunod-sunod siyang umaatake kay Deo pero hindi siya nito ginagantihan at tanging pag-iwas lang ang ginagawa ni Deo. 

Sa sobrang bilis ng kamay ni Ripper ay sumitsit ako sa kalaban bago siya kinindatan. Mukhang naasar si Deo kaya agad siyang sumugod dito dala-dala ang kutsilyo.

Napangisi ako ng hawakan ni Ripper ang kutsilyo. Pumitik ako at ilang saglit pa ay dumaloy ang dugo sa buong battlefield.

Deo sigh as he looks at me, pouting. I helped him just now hindi niya ba nahalata ang bagay na yo'n? Tumalsik ang kaliwang kamay ni Ripper malapit sa lugar ko. Scratch that– it's in my FVCKING THIGH!
UGH! TADEO RAVEN LOPEZ YOU JERK!

Kita ko ang pagtalikod ni Deo dahil mukhang uupo siya sa silya. Sa oras na ito ay nagtanggal ng mask ang lalaki.

Nakangisi siya kay Deo habang inihagis ang kutsilyo dahilan para tumama ito sa kanang balikat ni Deo.

"Geez, wala ka ngang kamay, nanghahagis kapa?" Kita ko kung paano mapaluhod si Ripper. Kahit na wala na siyang kaliwang kamay ay nagagawa niya paring kumilos.

The Mafia's Dangerous Alpha [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon