LUNA EL PRENTO
The day has come to an end. Siguro para sa iba ay ito ang napakalungkot na bahagi kung saan ikaw mismo ang makakakita kung paano matatabunan ang taong minsang nakapagpasaya sa inyo.
Until now, siguro hindi ko parin tanggap na gano'n-gano'n na lang siyang kukunin samin. Ace is a good man. Pinakamakulit na tropa sa buong grupo.
Habang tinatabunan ang labi niya ay napayakap ako kay Deo. Isn't it funny? Dati tinatanong ko, why are we still fighting in this cruel world kung mamamatay lang din naman tayo?
Siguro ngayon, alam ko na kung ano ang sagot. Maybe we just wanted to fight the destiny na nakikipaglaro satin. Gustuhin ko mang sapakin si Ace ngayon ay masaya na siya.
Kita ko ang pag-alalay ni Wan kay Prima na ngayon ay nakaluhod. Pinilit niyang ngumiti pero hindi niya magawa. Alam kong napakasakit mawalan nang mahal mo sa buhay.
Alam ko dahil naranasan ko na rin ang mamatayan. My dad is also a good person so I guess that's how it works. Kung sino pang mabait siya pa ang maagang kinukuha.
Nang matabunan na ang labi ni Ace ay nag-istay pa kami ng limang oras.
Tanging katahimikan ang bumalot samin. "Usually in this time, dito na nagbibiro si Ace." Ani Saturn na kakatapos lang humugot ng hangin.
"Gising na bro," Sambit ni Eun na pinakamalapit kay Ace. "Tang'na diba ako pa yung gagawin mong ring bearer sa kasal niyo ni Prima? Bakit ka namatay agad?" Masakit na dagdag niya.
Who would have thought na ganito ang kakalabasan ng lahat?
"Nangyari na ang dapat mangyari," Sambit ni Eleven. "It will never come back..." Dagdag pa niya.
"That Cronos." Ani Zion. "That person must be somewhere." Sambit ni Mien na nakatingin lang sa mga ulap.
"I'm thirsty, bibili lang ako nang tubig." Sambit ni Zion. "Lune, can you come with me?" Tumingin ako kay Deo na ngayon ay tinanguan lang ako kaya sumama na ako kay Zi.
Habang naglalakad kami ay nagsalita siya. "I found a ring on the accident," Ani Zyte sabay bunot ng singsing sa bulsa niya.
Tinignan kong maigi ang singsing at nakita ko ang Infinite na nakaukit. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Ace ang singsing na ito.
"Ano namang meron dito?" Tanong ko.
"Hindi ka ba nagtataka kung paano nahubad ang singsing na 'yan?" Napahinto ako.
"Sa tingin ko planado ang pagkamatay ni Ace, at ang Cronos na 'yon ay hindi isang tao kundi isang grupo." Hindi ako nakapagsalita. He has a point.
Nang makapunta kami sa malapit na SixtiLeven ay bumili siya nang tubig at ako naman binilhan niya nang Slushie.
Nang makabalik kami ay isang cellphone ang tumunog and this time kay Eun naman ang cellphone na 'yon.
Binuksan ni Eunji ang cellphone niya at napatingin samin. "What does it say?" Tanong ko. "Nothing." Aniya at sinara ang cellphone.
"Luna, I know you're tired. Can we leave already?" Sambit ni Eun na nakatingin sa likudan ko. Hindi man nila sabihin ay ramdam ko ang pagbigat ng hangin. "Sure." Sambit ko at ngumiti.
Now is not the time to be stubborn.
Pagkasakay namin sa Van ay napatahimik ako. "Any news?" Agad na tanong ni Zi habang nagpupunas ng talukap ng mata. Napasandal naman si Eun habang nakapikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Dangerous Alpha [Completed]
Teen Fiction#1 in Writing NO MAN WANTS TO PUT HER WOMAN IN DANGER. But for him, being weak is not on his vocabulary. Her woman experience so much pain on her past that's why he's willing to do anything for her and even teach her how to be strong. The past her w...