“Chances are given to people who are brave enough to take them.”Wala sa sarili akong napangiti nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa isang palabas ngayong gabi. Napatingala ako sa screen ng telebisyon na nasa loob ng aking opisina.
Pero ganoon ba talaga iyon?
Hindi ba kapag para sayo ang isang bagay, kahit na anong mangyari, makukuha at makukuha mo pa rin yon?
Kung sabagay, may iba't-ibang pananaw ang bawat isa sa atin.
Pinilig ko ang aking ulo at mas tinuon ang pansin sa hawak kong isang magazine. Kung tutuusin ay pawang tungkol lang naman sa may-ari ng law office na ito ang laman ng magazine na ito. Puro mukha nila ang nakapalaman dito, at kung ipapakalat ito ay mapagkakamalan na sila mismo ang nsg-issue nito.
Natigilan ako sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag habang ang mga mata ay sa pahina pa rin ng magazine nakatutok.
It feels like this is my very first time to see them post for a magazine like this.
“Hello,” bungad ko sa tumawag.
“Hi to my very pretty good friend.” Bati pabalik ng boses sa kabilang linya.
Napaismid ako at napailing na lang ng marinig ko ang malalim niyang boses. Kilalang-kilala ko na kung sino ang tumawag na ito.
“What?” Mataray kong tanong sa kanya.
Narinig ko pa ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya. Napahawak na lamang ako sa aking sintido dahil alam ko naman na walang magawang matino ang taong 'to kaya ako ang iniistorbo. Ako na naman ang napagdiskitahan ngayon.
“Ryan, why did you call?” Pag-uulit kong tanong.
I heard him chuckled again.
“Busy ka? Anong ginagawa mo?” Tanong niya.
Nilipat ko ang pahina ng magazine na kanina ko pa tinitignan at tumambad sa akin ang magkatabing litrato nina Ryan at Carl Manalad bilang sila ang mukha ngayon ng kanilang business.
“Hey, still there?” Tanong muli ni Ryan.
Dahil sa boses niya ay nabalik ako sa wisyo at napatango pa na para bang nakikita niya ako ngayon.
“Yes, I am. And to answer your question, wala na akong ginagawa Mr. Ryan. Pauwi na din kasi ako, I'm just browsing your family's magazine.” Tugon ko.
I can't help but to linger my eyes on their picture. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong isa-isahin ang mga pagkakaiba nilang dalawa. Their physical differences.
Ryan has this devious smile plastered on his lips while Carl has a sweet, calm and mysterious one.
“Gwapo ko don 'no?” Biro niya. His dad established this law firm. Pero ang kaisa-isa niyang anak ay walang plano na sundan ang mga yapak niya bilang isang kilala at respetadong abogado.
“What do you need, Ryan?” Muli kong tanong habang prenteng nakasandal sa aking upuan. “Tell me, anong kailangan mo?” Pag-uulit ko, this time ay may halo na itong pagtitimpi.
Rinig ko na naman ang muli niyang pagtawa. I just rolled my eyes. Sinasayang ko na naman ang oras ko sa lalaking 'to.
“Chill! I just want to ask you if available ka tonight.”
Kung kanina ay kahihimigan ng pagbibiro ang kanyang tono, ngayon ay halatang nag-aalinlangan siya at kabado. Not so him. Pero siguro dahil alam niya na kung ano ang isasagot ko.
