Pahina 14

152 7 2
                                    

Wrong

"Sir Ryan, sorry. Baka nalito lang ako, pareho kasi kayong gwapo eh." pagbawi ni Aiko nang lahat kami ay tumahimik dahil sa tanong niya kanina.

A playful smile plastered on Ryan's lips. "Ah. Maybe it's because you've seen our magazine." he said.

Oh right. That business magazine na silang dalawa ni Carl ang cover.

"Magazine.." tila ba napapaisip si Aiko. "Ah tama. Yung magazine po na nasa table ni ma'am Via." Damn it. Lahat naman kami sa office ay may ganoong magazine.

Pilyong ngiti naman ang gumihit sa mga labi ni Ryan. Ano na naman kaya ang iniisip nito. "Baby naman, if you want to see me you just have call me. I will gladly stop my work and see you. Hindi yung magtitiis ka sa magazine." Shit ka Ryan. Bwisit ka.

Epekto ba ng alak yan kaya ang hyper mo sa pagpapanggap ngayon ha?

Nilinga ko ang mga kasama namin sa lamesa, kitang-kita ko ang mapaglarong mga ngiti nila except on Carl's serious eyes and Yliam's smirk.

"Hindi ko talaga naisip na you two would end up together." attorney Yolan started. Kahit ako rin naman po, hindi ko maiisip na I'll end up pretending to be his girlfriend. "But you look good together. Sana ay magtagal pa kayo."

Niyakap ako ni Ryan mula sa gilid. Ang kanyang ulo ay nasa aking leeg habang ang kamay niya ay nasa baywang ko. Nilingon ko siya, hindi pa naman siya lasing kaya alam ko na aware pa siya sa mga kinikilos niya. I suddenly feel the urge to caress his face.

Natapos ang gabi na pulang-pula na ang mga mukha ng magpipinsan. Ilang oras na kaming nandito at nakakailang bote na rin sila. Sa kanilang anim ay tanging si Yliam na lang ang sigurado akong nasa wisyo pa.

Nag-stay pa sina Attorney Luke, pero nagpaalam na ako na kailangan ko nang umalis kasama sina Ryan.

"Ilan dala niyong kotse?" I asked Yliam. Naglalakad na kami papuntang parking.

"Isa lang." Tipid niyang sagot. Nilalaro niya ang car keys sa kanyang daliri hanggang sa narating namin ang Alterra niya. Binuksan niya ito at pinasakay na sa loob ang kapatid na si Tori pati na rin sina Sky, Silver at Ryan. Bumaling siya sa akin, "You have your car right? Can you bring Carl home?"

I looked at Carl, his eyes are sleepy and I know he's tired. Kita ko iyon sa mukha niya.

"Sorry to disturb you, Vienna. Their house is out of way, I need to bring these guys home as soon as possible." Yliam explained.

I just nod at him. "Okay, I will. Ingat sa pag-drive." Sabi ko bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya.

Hinarap ko si Carl, "I'll send you home. Let's go. Nandon ang kotse ko."

Nauna na ako sa paglalakad at hindi na siya nilingon para icheck kung sumusunod ba siya sa akin. Naramdaman ko na lang ang presensya niya nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Napahinto ako sa paglalakad.

Damang-dama ko ang init ng hininga niya sa batok ko. He locked his hands on my stomach.

What the fuck is he doing?

"Can we stay a little longer?" Maging ang boses niya ay kahihimigan ng pagkapagod. I wonder what he's up to the whole day and he looks so damn tired. "Please,"

Naamoy ko na rin ang alak sa hininga niya sa tuwing magsasalita siya. Pero hindi naman nawawala ang natural scent ng katawan niya. He smells like mint and alcohol.

"Carl, it's getting late. Uwi na tayo." Mahinahon kong saad. Hirap na hirap akong gumalaw dahil sa pwesto namin at dahil na rin sa kakaibang pakiramdam na dumaloy sa sistema ko.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon