Pahina 24

158 9 5
                                    

Suyo

"You know me bro, that's not my thing." Natatawang sagot ni Ryan.

Well, it's really funny kasi wala naman talaga sa vocabulary ni Ryan ang panunuyo dahil wala naman siyang babaeng tinatagalan. After a night or so, palit na siya agad. No strings attached nga daw sabi niya pa.

"Pero babawi naman ako eh." Aniya sabay kindat sa akin.

Dumating na ang pagkain na inorder namin. Naki-share na rin ng table sa amin sina Carl at Aina. It's rude naman kung tanggihan namin sila, besides close naman sila ni Ryan.

Pero napapaisip lang ako bakit hindi man lang naikwento sakin ni Ryan na meron pala silang kaibigan na Aina. Hindi niya nabanggit sa akin na may first love pala ang pinsan niyang si Carl.

Ryan talks about his family too much. Kaya nga halos kilala ko na silang lahat kahit di ko naman madalas nakakasama except Stella na naging classmate ko noong highschool.

"What do you want for dinner later?" Malambing na tanong ni Aina kay Carl sa gitna nang pagkain namin. Lunch pa lang but she's thinking about dinner na agad. "Mag-grocery ako after natin dito."

I saw Ryan's playful smile and stares to Carl and Aina. "Ano 'yan, nagbabahay-bahayan na kayo?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapalingon kay Carl. Walang kahit na anong reaction ang mukha niya, pero ang mga mata naman niya ay kakikitaan ng pagtitimpi. He looks mad. And.. frustrated.

Saan naman siya nafufrustrate? Diba nga ako dapat yon kasi nandito na naman ako sa sitwasyon na sana ay wala na lang ako dito. Na sana ay hindi ko na lang naririnig ang mga kwentuhan nila about how they treat each other at home.

"I told you already, you don't have to cook. Manang can do it." Wika ni Carl.

But Aina insisted. "And I told you too na I want to cook for you. Happy ako na gawin lahat 'yon para sayo." She smiled.

They look so good together. A successful man and a very caring and pretty woman.

Ito na naman, may kumukurot na naman sa puso ko at para bang may nagra-rally sa sikmura ko. Ayaw nila sa nakikita nila. Ayaw nila sa mga naririnig nila.

My whole system hates this Carl and Aina thing. Damn! This is not good.

Napapaisip na lang ako kung totoo pa ba ang mga sinasabi niya sa akin. Talaga bang kaibigan niya lang si Aina? Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang hindi naman ganon lang ang relasyon nila. Imagine, pinaghahanda niya from breakfast to dinner kahit na may ibang tao naman na pwedeng gumawa noon para kay Carl. But still, Aina insisted that she'll do that herself.

"Unless, ayaw mo talaga na pinagluluto kita." Biglang nag-iba anh ihip ng tono ni Aina. Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya at kita din ang pagtatampo sa kanyang mga mata. "Ayaw mo ba?"

I gulped. Automatic akong napatingin kay Carl at naghihintay ng sagot niya. Now, he can't look at me. Umiiwas siya sa mga mata ko. Great.

"Of course.. gusto."

I'm freaking tired. Pagkabalik ko sa office kanina ay ang dami kong hinarap na clients. It's a good thing din dahil medyo nakalimutan ko na naiinis nga pala ako kay Carl. Pero nasobrahan naman yata to the point na sobrang pagod ko ngayon.

Pag-uwi ko sa bahay ay diretso agad ako sa malambot naming couch at pinahinga ang likod sa sandalan. I shut my eyes hard and took a deep breathe. "Just a bad day, Vienna. Not a bad life." My mantra. Paulit-ulit kong kinakalma ang sarili ko.

Alexa still out of town due to her medical mission. Nagpunta siya with her team sa isang liblib na lugar para magsawa ng check up sa mga tao doon. I'm really proud of her kasi sobrang dedicated din niya sa trabaho niya. Kaya siguro nagkasundo talaga kami.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon