Stay
"Ryan and Vienna's here!" Sigaw ni ate Tyra at agad kaming sinalubong kasama ang kanyang baby na si Xian.
Malaki ang ngiti ni Ryan habang kinukuha kay ate Tyra si Xian upang kargahin. "How's my big boy Xi? You miss ninong?"
Habang pinagmamasdan ko si Ryan hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako. Umangkla sa akin si ate Tyra sabay bulong, "Ryan will be a good father too. What do you think?"
Halos masamid naman ako sa tanong na iyon ni ate Tyra.
"I bought you a train. You want trains right? We will play later."
Hindi naman ako aangal sa sinabi ni ate Tyra. I'm pretty sure too that Ryan will be a good father. Ngayon pa lang na nakikita ko kung paano niya alagaan si Xian na pamangkin niya ay alam ko na ang swerte ng magiging mga anak niya. Malas nga lang ng asawa niya dahil sakit sa ulo madalas yang si Ryan.
"Vien! Come here, laro tayo." Tawag naman sa akin ni Stella. Nakaupo siya sahig ngayon at naglalaro sila ng Uno cards kasama sina Tori at Sky.
Honestly, ito ang kinaiinggit ko sa pamilyang ito. They always have time for each other. Talagang nagbibigay sila ng oras para sa isa't-isa. Para makasama ang bawat isa. See, even ate Tyra na may sarili ng pamilya ay hindi pa pumapalya na umattend sa ganitong ganap nila.
Karga-karga pa rin ni Ryan si Xian habang ang libreng kamay niya ay nakaalalay naman sa likod ko at sabay kaming naglakad na papasok sa loob. Si ate Tyra ay dumitetso na sa kusina para tumulong sa paghahanda ng mga pagkain.
Ilang hakbang palapit kina Stella ay siya namang pagdaan ni Carl. He's wearing a plain white shirt and maong shorts. I forgot, nandito nga pala kami sa bahay nila ngayon. Every Friday ay may ganitong set up ang mga Manalad at may mga taya din. In this case, si Carl ang taya kaya nandito sila, I mean, kami sa bahay nila.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Mabusisi ang bawat detalye ng mga muwebles na ginamit dito. May mga antique din na vases at hindi naman nawala ang mga paintings sa pader. Maging ang family pictures nila ay naabot din ng tingin ko.
"Cute niyo naman. Para kayong happy family dyan!" Halos tumili na si Stella habang sinasabi niya iyon. Ryan's still carrying Xian while he's free hand is resting on my waist. "One, two, three, smile!" In just three counts ay mabilis niya kaming nakuhanan ng picture gamit ang cellphone niya.
"Baby Xi, do you like ate Vienna for your Ninong Ryan?" biglang tanong naman ni Sky.
Xian's already two years old. Hindi pa siya matatas magsalita pero nakakaintindi at mukhang matalinong bata 'to. Well, he has a blood of Manalad ang he's dad is a young achiever.
"You call her, ninang. You say it, ni..nang." pagtuturo ni Ryan sa bata.
Bago pa mauwi sa kung saan ang asaran na ito ay lumapit na ako kay Stella at naupo sa tabi nila ni Tori, sa harap ko ay nakapwesto si Sky na ngiting-ngiti sa akin dahil pakiramdam ko ay pansin niyang kanina pa ako nahihiya dahil sa mga pang-aasar nila.
"Vien, how old are you na nga ulit?" Tanong ni Sky.
Nilapag ko ang dala kong bag sa sofa at nag-indian sit sa sahig gaya nila. Buti na lang ay nagpalit ako ng damit kaya naka-jeans na ako ngayon. "Twenty-seven." Simpleng sagot ko sa tanong ni Sky. I have the same age with Stella and Sky, his brother, is two years younger than us. And Ryan is twenty-eight already, same with Carl.
"And why are you talking about age, ha, Sky?" Bumalik na si ate Tyra at natatawang naupo sa couch katabi ng kapatid na si Yliam.
At dahil sinundan ko ng tingin si ate Tyra ay di sinasadya na magtagpo ang mga mata namin ni Carl. Shit. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pero hindi iyon nagtagal dahil bigla naman siyang umiwas ng tingin.
