Hard wayBestfriend.
Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. Simula noong nakilala ko siya ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang magulo ko ng buhay. Talagang nag-iinit ang ulo ko at kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang boses niya at lalo na kapag nakikita ko siya.
The way he looks at me..
There's something in the way he looks at me. Hindi ko mawari kung may nagawa ba akong masama sa kanya para tignan niya ako ng ganon. I can't remember anything. We were never friends.
Malapit ako sa pamilya nila dahil kay Ryan. At dahil na rin sa naging kaibigan nila ang aking ina. Mailap siya sakin at ganon din naman ako sa kanya. Kaya hindi ko lubos maisip ang dahilan ng kakaibang pakiramdam na binibigay niya sa sakin.
He's making me really stressed out.
"Damn this.." I breathed.
"Kung ayaw mo matulog, please, let me sleep."
Napabaling ang aking tingin kay Alexa. Siya ang matalik kong kaibigan at kasama ko sa condo unit na tinutuluyan ko. Noong umalis ako sa bahay ng aking ama ay siya namang pagkamatay ng mga magulang niya dahil sa isang car accident kaya naman nag-decide kaming dalawa na magsama na lang.
She's the sister that I wish I had.
But atleast, we met in this lifetime as very good friends.
Simula ng maging bukas ang isipan ko sa lahat ng mga ginagawa ng tao sa paligid ko, wala na akong gustong pagkatiwalaan. Pero kung may bibigyan ako ng tsansa na pagkatiwalaan, I would give it to Alexa.
"Kung di ka makatulog, bakit di ka bumalik sa kwarto mo, no?" Balik ko sa kanya bago muling binaling sa kisame ang aking mga mata.
I heard her sigh.
"V, ano ba kasing problem mo? Why can't you sleep? Hindi ka na nga nakakatulog ng sapat na oras kapag may case kang inaaral eh, tapos ganyan ka pa. You're killing yourself." Aniya.
Napabuga ako ng hangin at napailing na lang. Sinubukan kong alisin siya sa isipan ko. Pero masyado siyang nakakapit sa utak ko at di ko siya magawang isangtabi.
The heck!
Ano bang problema ko? Bakit kahit anong gawin ko, nakikita ko pa rin ang mukha niya? The way he looks at me.. the way his lips formed into a smirked.. everything!
Talaga bang pinanganak siya para guluhin ang buhay ko? Then if that's the case, he's doing a good job about his existence's purpose. Dahil talagang nagugulo niya ang sistema ko.
Funny right? Isang araw ko pa lang naman siyang nakakausap ng ganito katagal pero parang lumindol na sa buong katawan ko.
I must really hate him.
"Vienna Leticia!" Halos pasigaw na tawag sa akin ni Alexa kaya naman napabalikwas ako. Napakagat ako sa aking labi at dahan-dahan siyang nilingon.
Bumungad sa akin ang nakakunot noong si Alexa. Tinipon niya ang kanyang mahabang buhok sa kanyang kamay at tsaka iyon itinali. Ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang mga bagay na nasa utak ko.
"Naiinis na ako sayo. Hindi ako makatulog." Reklamo niya. Bakas na bakas ang pagtitimpi sa kanyang boses.
"I'm not even making a sound here, Al."
Mas tumalim pa ang pagkakatingin niya sa akin. "Yes you didn't. Pero rinig na rinig ko naman ang ingay ng utak mo. Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na lang sakin 'yang bumabagabag sayo. Again, ano bang problema?"
