Pahina 21

136 6 4
                                    

Insecure

"Hindi po nagpapakita sa amin iyong tinatawag nilang Madam A."

Nandito ako ngayon sa opisina ko, kausap sina tatay Nestor at Nico. Silang dalawa lang ang nakarating ngayon dahil abala daw ang iba sa pagtulong dahil anihan ng mangga ngayon.

Sa kabilang dulo ng sofa ay nandoon naman si Carl. Hindi naman niya kailangan pumunta dito eh. Hindi naman siya ang kliyente ko. If he really want to help, then stay away from me. Naiinis pa rin ako. Naiinis ako dahil ang lakas ng loob niyang aminin sakin na mahal niya ako pero ang totoo pala may babae siyang gustong pakasalan. Fuck him! Shit siya.

Hindi ako halos nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya at sa Aina na iyon. They look good together, edi magsama silang dalawa. Argh!

"Ang kumakausap lang samin ay yung secretary ni Madam A." Dagdag naman ni Nico.

Imbis na mainis ako sa nangyayari sa puso ko ay mas mabuting ituon ko na lang ang pansin ko sa kasong hawak ko ngayon. Kailangan kong maibigay kina tatay Nestor ang kagustuhan nilang karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

They deserve it anyway.

"Is there a chance that I can meet Madam A's secretary?" Maingat kong tanong. I want to talk to her secretary.

Napatingin si Nico sa akin, mayroon siyang kinuha sa kanyang wallet. Isa itong maliit na puting papel. Inabot niya sa akin iyon, "Iniwan niya itong card niya. Kapag daw gusto namin makipag-usap, tawagan namin siya."

Kinuha ko ang papel na hawak niya. Patrick Quizon. Iyon ang nakalagay na pangalan sa papel kasama ng numero niya. So Madam A's secretary is a he.

"I'd like to set an appointment with him. I'll try my best to negotiate with them."

Naunang umalis sina tatay Nestor at Nico. Pinahatid ko sila kay Kuya Jun, ang company driver namin. Nung una ay tumatanggi pa sila pero dahil sa pamimilit ko at sa tulong ni Carl ay napapayag din namin sila.

Pagkaalis nila ay agad na sinarado ni Carl ang pinto. Tumingin siya sa akin gamit ang galit niyang mga mata. Ano na naman ba? Ako ang dapat na galit diba?

"Let's talk about last night." Matalim niyang wika sa akin habang tinatahak ang distansya naming dalawa.

The heck! Wala akong takas. Sa bawat paghakbang niya palapit ay siyang pag-atras ko hanggang sa wala na akong maatrsan. Tumama na ang likuran ko sa aking mesa.

Carl let out a smirk. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko dahilan para makulong akong tuluyan. Ang lapit lapit na naman ng mukha niya sa akin na parang pati ang personal space ko ay iknuukupa niya.

Nagwawala na naman ang mga insekto sa tiyan ko. Naghuhuramentado ang puso ko. Nagkakabuhol-buhol na ang ugat sa utak ko sa pagpipigil na maramdaman niyang may epekto siya sa akin.

"Whatever you heard from my cousins, it all happened—"

Umiling ako. Sinusubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas. "I didn't hear anything, okay?" Thanks to Yliam. Kung hindi dahil sa airpods niya ay baka tuluyan akong bumigay kagabi. "And kung may narinig man ako, ano naman ngayon? Wala akong pakialam don at ganon ka din dapat."

Kumuyom ang isang kamao niya. Lalong dumilim ang mga tingin niya sa akin. Those glares almost melt the shit out of me.

"Bullshit!" Malutong niyang mura.

Sinong minumura niya, ako? Ha? Aba! Ang kapal naman talaga ng mukha niya.

"Makakaalis ka na, Carl. Dahil simula ngayon, wala na akong pakialam sayo at sa babae mo. Do whatever you want. Hindi mo kailangan pumunta dito para magpaliwanag dahil uulitin ko, wala akong pakialam." Binigyan diin ko ang bawat salitang binibigkas ko. Gusto kong maramdaman niya ang lahat ng 'yon. Gusto kong ipamukha sa kanya na wala akong pakialam dahil wala naman talaga dapat in the first place. "At wala ka ding pakialam na dapat sa akin."

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon