Pahina 17

139 8 2
                                    

Partners

Ang nakakasilaw na sikat ng araw ang bumungad sa akin pagkababa ko ng sasakyan. I am at San Jose right now, the province where tatay Nestor lives. I decided to see them and the land they're talking about.

Tama nga si tito Teo, my dedication and passion for my work leads me to where I am now.

"Attorney, dito po tayo." Sinalubong ako ni Nico.

Napapangiti ako habang may mga nakakasalubong kami at inaasar si Nico na sa wakas daw ay may inuwi din siyang babae dito sa bayan nila. Kitang-kita ko kung paano pumula ang pisngi ni Nico sa hiya. But I assure him na it's okay. No big deal. Tsaka lamang siya kumalma.

Sa kahabaan ng bukid ay kitang-kita ko ang mga iba't-ibang uri ng gulay na nakatanim. Mayroon ding flower plantation na siguro ay ngayon ang araw ng harvest dahil nandoon halos ang mga tao at may mga dalang basket.

Sa di kalayuan ay tanaw ko naman ang mga puno ng mangga. Iyon daw ang pangunahing tanim nila tatay Nestor dahil kahit daw matagal ang bunga nito ay tiyak naman ang kita kapag araw na ng pag-harvest.

"Lahat po 'yan, pinaghirapan ng pamilya namin dito." Saad ni Nico.

Now I really understand where they're coming from. I can't imagine their hardwork para mapalago ang plantation at lahat ng tanim nila. Kaya sobrang sakit nga naman kung biglang babawiin sa kanila ang lahat ng ito.

"Aba tignan mo nga naman at binata na ang anak ni Narding." Napalingon kami pareho ni Nico sa matandang babae na nagsalita. Nakasuot ito ng bistida na may burdang mga bulaklak. May dala-dala siyang isang bilao na ang tingin ko ay kakanin ang lagay. "Kay ganda naman ng iyong nobya, Nico."

Napayuko si Nico at napakamot sa kanyang batok. He's blushing. Nakakatuwa ang reaksyon niya. Parang high school student na kaharap ang crush niya.

"Magandang umaga po," bati ko sa babae. Malaki ang ngiti niya sa akin. Pinunasan niya ang kanyang kamay bago iyon inilahad sa akin. "Ako nga po pala si Vienna." Pagpapakilala ko.

"Kay gandang ngalan. Bagay na bagay sa iyo." Wika pa niya.

Bago pa man ako makapagsalitang muli ay napalingon na ako sa pamilyar na taong nasa gilid ko. Bigla siyang tumikhim kaya nakuha niya ang atensyon namin.

What the fuck is he doing here?

He's wearing a white long sleeve na nakatupi hanggang kanyang siko, paired with his usual black pants and shoes. They way he dress like now is like he's in his usual office day.

Matalim ang tingin niya sa akin kaya naman nabawi ang ngiti ko.

How can I get rid of him kung hanggang dito ba naman ay nakikita ko siya. Do he have some business here o balak niya lang akong sundan? Damn. Sundan? Eh nauna nga siya sa akin dito. Baka mamaya ang isipin niya eh siya ang sinusundan ko. Asa naman siya.

"What are you doing here?" Seryoso kong tanong. Pero imbis na sagutin na lang ako ay umismid lang siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, he's like criticizing my clothes.

Sa ginawa niyang iyon ay napatingin din tuloy ako sa suot ko. What's wrong? I am wearing a cardigan outside my blue spaghetti strap blouse paired with faded jeans and close shoes. Hindi ba at mas appropriate naman ang suot ko kaysa sa formal niyang damit?

"Attorney, magkakilala ba kayo?" Nakalapit na din sa amin si tatay Mike at iyan ang tinanong niya sa akin. I want to say no. Gusto kong ideny na kilala ko siya at magpanggap na lang na isa siyang stranger sa akin.

But then, naunahan na niya ako. "Yes. We know each other." Banayad na sagot ni Carl habang hindi bumibitaw sa pagtitig sa akin. Mas matutunaw pa yata ako sa mga titig niya kaysa sa init ng sikat ng araw eh. "Very well.." dagdag pa niya.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon