You don't love him
“Hindi ko alam na kayo.” Puno ng kabuluhan niyang sabi habang direktang nakatingin sa aking mga mata.
Bahagyang natagilid ni Ryan ang kanyang ulo dahil sa kalituhan at kaguluhan sa kung ano nga ba ang ibig sabihin ni Carl sa tinuran nito kanina.
Tumikhim ako.
“And why? Kailangan mo bang malaman?” Balik kong tanong.
Dahil doon ay naitikom niya ang kanyang bibig at natahimik. I took that as an opportunity to direct my attention away from him. My eyes made its way to Ryan who was still in deep thought and his eyes were still glued on Carl.
“We're friends.” Pagbasag ni Carl sa katahimikan naming tatlo.
Hindi ko binalik ang tingin ko kay Carl. I don't want to see what his reactions look like. “I choose my friends wisely, Carl.” Huli kong sabi bago ako nagdesisyong lumakad na palapit kay Ryan.
Paglapit ko kay Ryan ay agad ko siyang nginitian. Nakuha naman noon ang atensyon siya at awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napanguso ako at ngumiting muli dahil sa kainosentehang tinataglay ni Ryan.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang Ryan Manalad ay may pagka-inosente din. He's devious but innocent at the same time.
It's ironic, right?
I know.
“Nag-aaway ba kayo?” Kuryosong tanong ni Ryan sa akin habang matamang nakatingin sa mga mata ko.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ko ang papalapit na si Carl sa amin.
Kaagad akong umiling bilang paunang sagot sa tanong ni Ryan. “Of course not. Bakit naman kami mag-aaway? I am an attorney, Ryan. I usually fight over big things.”
Kahit naman alam kong hindi pa siya naniniwala ay tumango-tango na lamang siya at iginiya na ako patungo sa daan papasok sa kanilang bahay.
“Anyways, thank you for coming, Vien. This means a lot to me.”
I raise my brow on him. “Don't be thankful, Ry. I'm not doing this because you asked me to. May usapan tayo.” Seryoso kong wika sa kanya. Baka lang naman kasi nakakalimutan niyang ginagawa ko ito dahil sinisingil niya ako sa utang na loob ko sa pamilya niya.
“A'right. Hindi ki naman yun nakakalimutan, Vien. But still, thank you for being here with me.”
Nilahad niya ang kanyang braso sa akin at walang alinlangan ko naman iyong tinanggap. Matamis akong ngumiti sa kanya bago ko siya sinamaan ng tingin.
Iminuwestra na niya ako papasok ng bahay nila at sumusunod din si Carl mula sa aming likuran.
Isang halakhak ang kumawa kay Ryan at napailing-iling habang inaalalayan ako papasok sa kanila. Wala akong ibang magawa kung hindi ang samaan siya ng tingin dahil mukhang hindi naman niya nakukuha kung gaano kaseryoso 'to.
This is very serious for me.
It's love that we're talking about here.
Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya bilang girlfriend niya.
“Relax. Smile, Vienna. Look at me with those lovely eyes. We have a family's wish to fulfill.” Mahina niyang bulong sa akin.
Umakyat ang dugo ko sa aking buong mukha dahilan para maramdaman kong namumula na ang pisngi ko.
Hindi naman na ako bago sa lugar na ito. Kaya hindi.ko na kailangang suriin pa ang bawat detalye ng malaking bahay na ito.
I've been here since my childhood days since were friends that early. Maraming beses ko na rin namang nakasama ang mga magulang niya, but this time, it's different. I have to face them and covered everything with such lies.
![](https://img.wattpad.com/cover/194534083-288-k510894.jpg)