Case
"Ma'am Via, nandito na po sila."
Umayos ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Aiko. Kanina pa ako parang wala sa sarili dahil siguro sa hindi ako halos nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko si Carl. Kung may nangyaring masama sa kanya, hindi ko talaga alam kung paano ako hihingi ng tawad. Binilin siya sakin ni Yliam pero hindi ko siya naalagaan. He took care of me instead.
"Thanks Aiko, papasukin mo na sila."
I was asked to handle this case na dapat ay kay tito Teo talaga. It's about the farmer's land na ipinagbili ng isang may posisyon at kapangyarihan. Now, the new owner wants to get rid of them. Ang rinig ko pa nga ay halos itaboy pa sila nito. So heartless.
Bumukas ang pinto, kasunod ni Aiko ang dalawang matandang lalaki at tatlong mga halos kaedaran ko lang, dalawa ay babae na parehong may maikling buhok at katamtaman na tangkad. Ang isang lalaki naman ay matangkad, may bilugan ngunit mapupungay na mga mata at makapal ang kanyang labi. The two old men are in their usual kamiseta, iyong sinusuot siguro nila kapag nagsasaka.
"Magandang umaga po attorney," unang bati ng isa sa dalawang matandang lalaki. His hair are all white at kaunti na lang ang itim dito. Nag-alok siya ng kamay na agad ko namang tinanggap. The roughness of his hand, I know, it's all because of his hardwork. "Ako nga po pala si Nestor." Pagpapakilala niya. "At ito naman si Mike." Iyong isa pang matanda.
"Magandang umaga din po sa inyo, tatay Nestor at tatay Mike." Bati ko.
Nilingon ko ang dalawang babae, hinihintay na magpakilala din sila na agad din naman nilang ginawa. "Attorney, ako po si Joan, ito naman si Lea. Tapos iyon naman ay si Nico." Nginitian ko sila at isa-isa ding kinamayan.
Pinaupo ko na sila sa sofa at nagpahanda na rin ng meryenda.
"Napakasama nila. Hindi man lang nila kami bigyan ng kahit isang buwang palugit bago kami itaboy sa lupa na kami mismo ang nag-alaga." Ramdam na ramdam ko ang galit sa mata at sa tono pa lang ni Lea. Pilit siyang pinapakalma ni tatay Nestor. "Attorney, sinaktan pa nila ang tatay ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
"Sinaktan nila physically ang tatay mo? That's another case." Saad ko. Ang pinag-aagawan nila ay ang lupa, pero ibang usapan na kung nagkakaroon na ng sakitan physically. Hindi naman kailangan gumamit ng dahas.
"Naiintindihan naman namin na hindi sa amin nakapangalan ang lupain na 'yon na pinagsasakahan at tinataniman namin. Pero kami ang nagpalago 'non. Dugo at pawis ang inalay ng mga magulang namin para mapalago iyon." Mahinahon pero may diin na pagsasaad ni Nico. Nararamdaman ko sila. Hindi ko man lubusang alam yung pakiramdam na mapaalis sa lupang pinagkakabuhayan, naranasan ko naman na mawalan ng isang malaking parte ng buhay ko.
Ang lupa na iyon ay alam kong malaking parte ng buhay at pagkatao nila kaya naman alam ko na ang sakit para sa kanila na mawala iyon.
"Attorney, hindi namin hihilingin na ibigay sa amin ang lupain." Panimula ni tatay Mike. Pagod ang nakikita ko sa mga mata niya. "Ang gusto lang namin ay huwag nila kaming alisan ng karapatan sa lupa lalo na at doon kami nabubuhay."
Sa pagtutuloy ng kwento nila ay napag-alaman ko na ang mga tanim nila sa lupa na iyon ang pinagkukunan nila ng hanap-buhay. They've been in that land for almost two decades. Sila ang nagsalba sa lupa na iyon nung halos matuyo na ito. Kapalit noon ay ang pagtira nila doon. Pero ngayon ay iba na ang nakabili at gusto na silang paalisin agad.
"Ang nakakasama ng loob pa attorney ay napakababa ng tingin nila sa amin." Halos maiyak na si tatay Mike habang binabalikan ang araw na pinuntahan sila ng bagong may-ari. "Akala ba nila ay mabibili nila kami sa halagang limang libo?"