Fall
"Why do people fell out of love?"
Nasa kalagitnaan kami ng panunuod nitong movie nang bigla kong maisatinig ang tanong na gumugulo sa isipan ko. People fall in love and people fell out of love that easily.
Sa movie na 'to, after the couple spend their time together in Iceland, the lead guy broke up with his girl, because of why? Dahil lang sa reason na nag-iba yung ugali nung babae habang magkasama sila. Is that enough reason to fell out of love?
"I don't know." Suplado niyang sagot. "What I care about right now is how to make you fall for me."
Napailing na lang ako sa sagot niya. Nakakainis naman eh. Nandito na naman ako ngayon sa gitna. I'm in between of believing in love and afraid to get hurt after falling in love.
"Let's not finish that movie. Ayokong umiiyak ka." Aniya gamit ang banayad na boses. Kinuha niya sa akin ang remote at pinatay na ang television. Tumayo siya at niligpit na rin ang mga pinagkainan namin. "It's late. Matulog ka na."
"What about you?" Nagtataka kong tanong. It's late and pareho din naman kaming may trabaho bukas. He should rest too. "Di ka pa matutulog?"
He smiled. "I will.. tapusin ko lang 'to." He's pointing at the plates on the sink.
Hindi na ako nakipagtalo at nauna na akong pumasok sa kwarto ko. Nahiga sa kama at binalot ang sarili sa kumot. Nakatingala lang ako sa kisame habang hinihintay na dalawin ng antok.
Naalala ko na naman yung napanuod ko kanina sa movie. Is it really true? Kapag mag-iba yung ugali ng karelasyon mo magbabago din ang feelings? Diba dapat kapag nagmahal ka, tanggap mo muna lahat ng flaws niya bago mo mahalin lahat ng magagandang ugali niya. So when it comes to the time na makita mo yung bad side niya, hindi mo siya iiwan. You won't fell out of love kasi una pa lang tanggap mo na.
Funny. How can I say those words eh ako naman ay hindi pa nakakaranas na ma-inlove.. kaya nga sobrang bago nito sakin. Sobrang bago na pakiramdam ko ay may mali, minsan naman it feels so right. Hindi ko na alam.
Ang gulo. But one thing is for sure, I don't want to get hurt again na dahil sa nagmahal ako. Minsan na akong nasaktan dahil sobrang mahal na mahal ko yung magulang ko, but look at us now, wala na sila sa akin. At kahit nga sa makita ko lang sila ay nasasaktan pa rin ako. Bumabalik lahat.
I searched for my phone, it's pass eleven. Hindi pa rin ako nakakatulog. Mas lalo nga yata akong hindi nakatulog dahil sa mga iniisip ko. Love really put my mind and heart in ruckus. Hindi sila magkasundo sa kung ano ba talaga ang tama at dapat kong maramdaman.
Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko so I decided to go and get some cold water. Paglabas ng kwarto ay natanaw ko agad si Carl na nakahiga sa couch na inuupuan namin kanina. I know it's big enough for him, pero hindi ako sigurado kung komportable ba iyon para sa kanya. To think that he works really hard today, he needs a good rest.
Tumuloy muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagbalik ko ay tsaka ako lumapit ng husto kay Carl. He's sleeping peacefully. Napangiti ako dahil sa payapa niyang hitsura ngayon. Hindi nakakunot ang noo niya, hindi galit ang kilay niya at wala iyong malalamig niyang mga titig. Pero mas lalong magulo ang buhok niya ngayon.
Lumuhod ako sa gilid ng sofa kung saan nakaharap ako mismo sa mukha ni Carl. I slowly caress his face, from his forehead down to his cheeks. He's a he pero makinis ang balat niya, halatang inaalagaan nga. And also, ang healthy din naman kasi niya kumain. A well disciplined man.
Dahan-dahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko. I smiled.
"Trespasser." Natatawa kong bulong. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakakaramdam ako ng kakaibang saya. Pwede pala 'yon, by just staring at one person, you can be happy. "Pati sa puso ko pumapasok ka na di ko namamalayan."
