Chance
"Vi, aren't you coming home tonight?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Alexa nang sagutin ko ang tawag niya.
Nandito ako ngayon sa isa sa mga guest room ng bahay nila Carl. He helped me with Ryan. Hindi talaga siya nagising kanina habang dinadala namin siya dito. Ang bigat pa niya! Buti na lang talaga Carl's with me. I mean, buti at tinulungan niya ang pinsan niya.
Inaayos ko ang pagkakahiga ni Ryan sa kama kaya binaba ko muna ang cellphone ko at ni-loud speaker na lang iyon. "Sorry, Al. Can't make it tonight. Matulog ka na. Lock the doors." bilin ko.
"Yes ma'am." Mabilis niyang sagot. Akala ko ay dun na matatapos ang pag-uusap namin pero nagsalita pa ulit siya. "Where are you? And sino nga pala kasama mo ha?"
"I'm with Ryan." Tipid kong sagot. Hininaan ko ang boses ko dahil alam kong nakikinig si Carl sa akin. Nakatayo siya sa may pintuan habang nakadirekta sa akin ang mga tingin niya. Hindi ko din alam kung gusto lang niyang maki-chismis o kung binabantayan niya ako at nag-aalala siya na baka pagsamantalahan ko ang pinsan niya.
Simula nung umalis ang mga pinsan niya ay hindi niya ako kinakausap. Kahit habang magkasama naming dinala si Ryan dito sa kwarto ay di niya ako kinikibo. He's cold as ice pero yung mata naman niya ay nagbubuga ng apoy.
"With who?" Tumaas ang boses ni Alexa at hindi maitatanggi ang gulat niya. "Ryan? Your bestfriend?" I wish I can zip her mouth. Ang lakas ng boses niya. "Where the hell exactly are you, Vienna?"
"Carl.. Manalad's house." Hirap na hirap akong banggitin ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay may kung anong nabubuhay sa akin kapag nababanggit ko ang pangalan niya. Damn. "Ryan's drunk."
Naiimagine ko na ang mukha ni Alexa ngayon. My goodness! "Where? Vienna, give me full details. Saan sa bahay nila Carl kayo?"
I don't get it. Bakit mas pinili ni Alexa na maging doctor eh daig pa niya ang judge kung manlitis eh.
"Seriously?" I sigh. If I don't answer her, things will get worst. Palihim akong sumulyap kay Carl na nasa ganoong pwesto pa rin. "Sa guest room." Halos pabulong kong sagot. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Carl.
"Kayong dalawa lang? Tapos lasing si Ryan? Omg! Vienna, sinasabi ko na nga ba eh!"
"What? Alexa Marie!" suway ko sa kanya.
"Now that he's drunk, he has an excuse para may mangyari sa inyo. Tapos idadahilan niya na wala siyang maalala, lasing siya. Oh no! Vienna, I told you, a man and a woman can't be friends without.. you know, benefits. Sex—"
"Shit." Napamura na ako sa mga pinagsasabi ni Alexa. There she goes again with her wild imagination. Bago pa man siya may masabi na kung ano pa ay nagpaalam na ako sa kanya. "Al, see you tomorrow ha. Goodnight!"
Ginapangan ako ng kaba. Narinig ni Carl ang pinagsasabi ni Alexa, of course. Ano na lang ang iisipin niya? Shit. Bakit ko ba iintindihin kung anong iisipin niya tungkol sa akin? It's not like I'm trying to impress him no.
I ended the call. I sigh in disbelief.
Napapitlag ako ng marinig ko ang malalim na boses ni Carl. "He'll be fine here. Let's go, ihahatid na kita sa magiging kwarto mo." Kahit na malayo siya ay klarong-klaro ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Hindi ba ako dito.. matutulog?" puno ng pag-aalinlangan kong tanong.
Wrong move, Vienna. Mas lalo lang uminit ang tingin niya sa akin na pakiramdam ko ay nasusunog na ako. Parang nakakatakot siya hawakan, nakakasunog yung aura niya.
"What the hell are you thinking, Vienna? I'll let you sleep with Ryan? No." Matigas at puno ng awtoridad ang bawat pagbigkas niya sa mga salitang iyon.
