Pahina 19

149 6 4
                                    

That girl

"Mag-iingat kayo ha! Salamat sa oras ninyo."

Malalaking mga ngiti ang pabaon sa amin nina tatay Nestor. Bago ako tuluyang sumakay sa kotse ni Carl ay kumaway ako sa kanila at pinasadahan ng tingin ang layo ng plantation. One day, they don't have to worry about this. Hindi nila kailangan matakot na maaaring mawala sa kanila ang kabuhayan nila. I will help them. Babalik din sa normal ang lahat para sa kanila.

Walang nagsasalita habang nasa biyahe kami ni Carl. Nahihiya naman akong makialam sa kotse niya kaya kahit gusto kong magpatugtog para man lang may kaunting ingay ay hindi ko ginawa.

Sumilip na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang tanawin, lahat ng mga nadadaanan namin. Hindi ko nagawang tignan iyon kahapon dahil abala ako sa pagchicheck sa cellphone ko kung nasaang lugar na ba ako.

This time, I think I can enjoy this trip back to Manila. It's a four hour drive, hindi naman siguro ako mababagot.

Nagsasayawang mga puno ang bumubusog sa mga mata ko. Simple lang din ang mga bahay na nadadaanan namin, may mga batang naglalaro sa gilid ng kanilang mga bahay. The genuine smile on their faces makes me believe that happiness isn't just about having a fortunate living.

As long you enjoy simple things in life, you can be really happy.

"Saan kita ihahatid, sa bahay mo o sa opisina?" Finally, Carl broke the silence.

Hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa panunuod sa mga tanawin. "Bahay. I still have to change my clothes. Maliligo ako." Sagot ko.

"You look good on my shirt. Don't you think?" And a playful smirk formed on his lips.

Nilingon ko siya at nagtaas ng kilay, "I look good in everything I wear kaya wag mo akong bolahin." Mataray kong sagot sa kanya.

Matapos noon ay hindi na ulit siya kumibo. Kaya hindi rin ako nagsalita. Nakatuon lang ang pansin ko sa hawak kong cellphone at naglaro na lang. Kapag nababagot ako ay susubukan kong umidlip.

Makakatulog na sana ako nang bigla namang umalingasaw ang ingay ng cellphone ni Carl. Kunot noo niya iyong kinuha at sinagot ang tawag. Nilagay niya iyon sa loudspeaker upang hindi maistorbo sa pagdadrive.

"Bro!" Pamilyar na boses ng pinsan niya ang bumungad sa kabilang linya. If I'm not mistaken, it's Silver who's calling him. "Nasaan ka ba? May balita ako sayo!"

Nakafocus pa rin naman sa daan ang mga mata ni Carl. Mahigpit ang kapit niya sa manibela at seryoso ang kanyang mukha. "I'm driving, Ver. Pauwi na." Tipid niyang sagot.

"No, no, man. Wag ka muna didiretso sa bahay niyo."

Maging ako ay na-curious sa pagpipigil ni Silver. Why all of a sudden?

"Why?"

Iniwas ko ang tingin ko kay Carl. Ayokong maabutan niya akong nakikinig sa kanila ng pinsan niya. I don't want him to feel na chismosa ako. Kaya naman bumaling na lang ulit ako sa bintana at tinignan ang paligid.

"I heard from your maids na nasa bahay niyo si Aina." Sa pagkarinig ko pa lang sa pangalan ng babaeng 'yon ay may kumurot na sa puso ko. Bigla akong nahirapang huminga. What the fuck is this feeling. "May dalang mga gamit."

Pumikit ako. Nagkunwari akong walang pakialam sa narinig ko. Mas madali iyon kaysa magkunwaring wala akong narinig dahil imposible iyon. Sa sobrang tahimik sa kotse ay talagang maririnig ko ang sinasabi ni Silver.

Binuksan ko ang bintana ng kotse niya at nilanghap ang sariwang hangin ng probinsya ng San Jose. Hindi pa kami nakakalayo dahil halos isang oras pa lang naman ang biyahe namin. Inilabas ko ang kamay ko sa bintana at parang bata na dinadama ang bawat hampas ng hangin.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon