Pahina 6

271 9 8
                                    

Boyfriend

“Ry, no. I'm busy.” Matigas kong sambit kay Ryan.

Tama nga si Carl, halos isang oras lang pagkaalis niya sa office ko ay tumawag na itong si Ryan sa akin at sinabi nga niya ang tungkol sa dinner party ng mga Manalad mamaya sa bahay ng kanilang lolo.

They have this dinner party thing once a month and each and every part of their family should be there. Iyon ang laging sinasabi sa akin ni Ryan, napakaimportante daw para sa lolo niya na kumpleto sila sa gabing iyon.

And that scares me the most. Seryoso ang lolo niya sa lahat ng bagay lalo na when it comes to the future of his family. And Ryan is one of his favorite 'apo' daw.

I've met him a couple of times before pero bilang kaibigan lang ni Ryan at hindi bilang girlfriend niya.

“Vienna, please. Just this one.” Bakas ang pagmamakaawa sa boses ni Ryan sa kabilang linya. And even though I'm not seeing him right now, I can sense that he's pouting. “Alam mo naman na sobrang importante sakin ng family dinner na 'to eh.”

I sigh. “Exactly. This dinner is so important that I can't go there and walk and smile knowing that we're fooling them. Ry, family mo sila.”

I grew up wanting to have a happy family. Pero dahil sa kamalasan na binigay ni tadhana, I didn't get the chance to experience a complete family. And right there and then, tinuring ako na parang isang tunay na anak ng mga magulang ni Ryan. Pinaramdam nila sa akin na pwedeng magturingan bilang isang pamilya kahit hindi magkadugo. And just like what I'm always saying, utang ko sa pamilya ni Ryan ang buhay na meron ako ngayon.

“Vien, naghahanap naman na ako ng paraan para makaalis tayo sa sitwasyon na 'to eh. But please, hanggat wala pa, samahan mo naman ako.”

“Ryan Angelo, naghahanap ka ba talaga ng paraan?” Naiinis kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay nagiging kampante na siya na kahit anong hiling niya sa akin ay pagbibigyan ko siya. “Wala na bang halaga sa'yo ang friendship natin?”

“No, sweetheart. Don't say that. I love you and I treasure our friendship. It's just that..” bigla siyang natigil sa pagsasalita. Hindi makahanap ng salita na makakapagkumbinsi sa akin na sumama sa kanya sa party mamaya ng pamilya niya.

Hinilot ko ang sintido ko, pinapasakit ng isang 'to ang ulo ko.

“You know how much my family wants me to settle for good, right? Gusto ni lolo na makita niya na nahanap ko na yung babaeng makakasama ko habang-buhay. My cousins are all excited to see me in a relationship, in a serious label. And they're expecting it right away.”

Ryan is a type of man who do flings but never, never, never go on a relationship. He hates label. Aniya ay hindi pa daw niya natatagpuan ang babaeng gusto niya, pero ang totoo ayaw niya lang talaga sa idea na kapag nasa relasyon siya ay mawawala na ang kalayaan niya. Ayaw niyang matali.

“Vien, sweety, please... Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin. You know how much I love my family at ayokong biguin sila. Minsan na akong tumakas sa landas na gusto nila, kaya this time, ayoko na silang biguin.” he begged. This time in a more serious tone.

Tinalikuran ni Ryan ang isang pagiging lawyer gaya ng daddy niya dahil wala daw ang bagay na iyon sa puso niya. Kaya naman, his dad and lolo make him promise na kapag pinayagan nila itong kunin ang karerang gusto niya sa buhay ay magseseryoso ito pagdating sa pag-ibig. But look at him now, still a playboy.

“You should stop. Kahit anong sabihin mo hindi na mababago ang desisyon ko. Hindi ako sasama sayo.”

I was about to hit the end button when I heard him talk, “Is this because of Carl? Sinabihan ka ba niya na wag sumama sa akin mamaya?”

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon