Pahina 4

256 12 8
                                    


Friends

“Carl..” halos hirap kong banggit sa pangalan niya.

Napayakap ako sa aking sarili habang wala sa wisyong tinatanaw mula sa bintana ang walang kapagurang pag-bagsak ng malalakas na patak ng ulan.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya, wala na akong nagawa. Hindi na ako nakalaban dahil wala na rin naman akong lakas. Nanghina ang buong katawan ko nang bigla niya akong binuhat na parang napakagaan ko at dinala dito sa loob ng sasakyan niya.

“Are you cold?” Tanong niya habang ang mga mata ko ay abala pa rin sa panunuod sa ulan.

Hindi ko magawang lumingon sa kanya. Natatakot ako sa pwede kong maramdaman sa oras na magsalubong na naman ang mga mata namin.

“Babalik na ako sa sasakyan ko.” I answered back.

My voice sounded so weak compared to the heavy downpour of rain.

Ayoko ng ganito.

Ayokong nakikita ng iba na mahina ako. Pero sa pagkakataong ito ay wala rin akong lakas para magpanggap na matapang at malakas ako.

Presensya pa lang niya, dahilan na ng panghihina ko.

“No. Let's wait for the rain to stop. I won't let you drive like this.” He said using his calm voice. A kind of tone that can calm everyone.

Umiling ako. “Kaya ko naman, Carl. Kaya ko.” Pagpupumilit ko. Mas hindi ko yata kakayanin kung magtatagal pa ako dito kasama niya.

“I said no.” He sternly said.

Marahas akong napabaling sa gawi niya at sinamaan siya ng tingin. Pero ang sumalubong sa akin ay ang malalambot niyang mga tingin na pinipilit kong alisin sa isipan ko.

His overwhelming stars bugged me to the core.

Napaka-expressive ng mga mata niya to the point na nakakainis na itong tignan. Bawat paggalaw ng labi niya ay napapansin ko na rin kaya mas lalo lang akong nanggigigil sa inis.

“Stop me with your kaya ko. If it works on Ryan, then ibahin mo ko. I won't buy that.”

Muli na namang umakyat ang inis sa akin. Kanina pa siya kontra sa lahat ng gagawin o sasabihin ko.

“Bakit ko pa nga ba sasabihin sayo? Pwede naman akong umalis na lang.” Nagpipigil ng inis kong sabi bago pumihit para hawakan ang pintuan ng kanyang kotse.

Pero bago ko pa man magawa 'yon ay mabilis niya akong pinigilan. Hinawakan niya ako sa braso at muling hinarap sa kanya pero maagap ko ring nabawi ang braso ko. Hindi naman niya ako pinigilan muli at hinayaan niya na lang na lumayo sa hawak niya. Para akong nakukuryente.

Inabot ng kamay ko ang kaliwang braso ko para hawakan ang parte ng braso ko kung saan siya humawak kanina.

“Vienna, can you please.. listen to me? For once.”

I can see his frustration again.

Pero wala akong pakialam. Ako rin namab frustrated na dahil sa kanya.

Eh kung ibalik ko kaya sa kanya ang tanong na iyon?

Can he listen to me?

Obviously no.

He's Carl Manalad.

He reached for me but I only glared at him.

“I don't know why you're being like this. I don't know what stunt you're pulling but I'm telling you that it won't work on me. I know somehow.. maybe naaawa ka lang sakin. You pity me this much that's why you're acting this way. Wala ka bang tinutulungan ngayon kaya ako ang pinagdidiskitahan mo?”

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon