Pahina 27

256 11 13
                                    

Chaperone

Paggising ko sa umaga ay wala na si Carl sa bahay. Siguro ay maaga siyang umalis dahil kailangan niyang umuwi sa kanila para magbihis. I look at the wall clock and it shows na alas syete na ng umaga. My work starts at eight. I don't have enough time to complete my morning routines dahil malelate na ako. Kaya naman mabilisan akong naligo at nagbihis.

Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ay sakto namang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Carl. Kusa akong napangiti. Naaalala ko yung kagabi, kung paano ako nakatulog dahil sa boses niya habang kinakantahan ako.

"Good morning," bati niya. I can still hear the sound of his shower. Napakunot tuloy ang noo ko. Tumatawag siya habang naliligo? "I prepared your breakfast, nasa table. May naka-pack na din for your lunch."

I scan the kitchen, and there I saw all the food he prepared for me. Anong oras siya gumising para mahanda lahat 'to?

"This is too much, Carl. Hindi ka na dapat-"

He cut me off. "Ssshh. Just eat, okay? I am watching you, Vienna Leticia."

"What?" Kinabahan ako bigla. Anong he's watching me? Paano? Damn him!

Wala na akong sagot na narinig sa kanya kung hindi ang maloko niyang tawa. Kinuha ko na ang nakahandang pagkain sa lamesa at dumiretso na sa kotse ko para pumunta sa opisina. Doon na lang ako kakain ng agahan. I really have no enough time.

"Ma'am Via, diretso daw po kayo sa office ni Attorney Manalad." Bungad sa akin ni Aiko pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa floor ng building namin. "Sorry po," aniya. Naramdaman siguro niyang nabigla ako sa bungad niya.

I nodded. "I will. Ilalagay ko lang gamit ko sa loob." turo ko sa aking opisina.

Ryan told me that he'll talk to his dad about the case. Iyon kaya ang dahilan kung bakit ako gustong makausap ngayon ni tito Teo?

I knocked thrice. Walang sumagot kaya pumasok na ako agad. Sa loob ay naabutan ko si tito Teo na nakatayo at nakatanaw sa bintana kung saan kita ang kabuuan ang lugar. Maybe this is why he chose this place. Maganda ang view. Nakakarelax kapag tumatanaw sa bintana. Pero bukod sa kanya ay naagaw ni Attorney Luke ang atensyon ko. Nakaupo siya sa sofa habang umiinom ng kape. Sa center table sa harap niya ay naroon naman ang kanyang laptop. At bago ako dumating, pakiramdam ko ay mayroon silang seryosong pinag-uusapan.

"Vienna," napakurap ako sa pagtawag ni tito Teo sa pangalan ko. I can't read his face. Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang seryoso lang siya. "Take your seat."

Mabilis akong naupo sa sofa na kaharap lang ni Attorney Luke. Nakatinginan kami pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. I'm getting nervous. Fuck!

"Did you sleep well?"

"Po?" Halos masamid ako sa sariling laway. What was that? Bakit bigla naman niyang natanong ang tungkol sa pagtulog ko? I am not guilty, pero grabe yung kabog ng dibdib ko lalo na at naalala kong kasama ko si Carl kagabi. "I.. I did sleep well."

"That's good to hear. Because this is going to be a long and kinda hard day for you." Why do I feel like he's picking on me? Parang may kung ano sa mga ngiti niya at sa tinginan nila ni Attorney Luke.

I fake a laugh. Cause damn, I'm so nervous.

"Take it easy, Via. Wag kang kabahan dyan." May panunuya pa sa tono ni attorney Luke.

Naupo na si tito Teo sa kanyang swivel chair kaya naman napako sa kanya ang atensyon ko. "Ryan talked to me about that case in San Jose," he started. Naging seryoso na rin ang mukha niya kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung hindi siya pumayag? What id ipilit pa rin niya sa akin na gawin ang case na yon. Continuing that case means seeing my mother often. And I don't think I can handle the pain it may bring. "He told me that you want to give it back to me, won't you?"

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon