Pahina 9

150 5 2
                                    

What if

“What? Aiko, I told you before hand na hindi ako tatanggap ng walk-in client ngayon.”

Nakita ko na nakayuko na lang si Aiko, ang secretary ko, habang nakatayo sa harapan ko. Paano ba naman kasi ay binalita niya sa akin na may gusto daw na kumausap sa akin kahit wala namang appointment para sa araw na ito.

I always stick on my plans. Kung ano ang nasa schedule ko ay iyon ang gagawin ko. I have a lot of works and cases to read for today kaya nga inunahan ko na siya at sinabi kahapon pa lang na hindi ako tatanggap ng walk-in client ngayon.

"Just bring him to Atty. Luke instead." Wika ko.

Muli akong napahawak sa aking sintido nang maalaalang on vacation nga pala si Atty. Luke. Hindi ko naman iyon pwedeng ipasa kay Atty. Laurice o kahit kay Atty. Yolan.

"Okay, Aiko, just give me fifteen minutes. After that, papasukin mo na."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Do I have a choice? Actually meron. Kaya ko naman na hindi ientertain ang kung sino mang tao na yon eh. But I don't have a heart like stone to say no lalo na kapag alam kong kailangan ng tulong ko.

That's the problem on me. Hirap na hirap akong magsabi ng "no". I always end up helping those who are in need. Siguro kasi yun ang natutunan ko habang lumalaki ako kasama sina tita Lyn. Ang magbigay ng tulong para sa ibang tao ay sobrang nakakasaya ng puso. That's what I actually feel everytime na may kaso akong naipapanalo.

At naalala ko naman si Ryan. I'm helping him too. I'm helping him to lie. I'm helping him to fool his family.

Why do I end up that way?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay tumunog ang cellphone ko. Umilaw ito at tumambad sa akin ang text message na galing kay Ryan at may isa rin na galing kay Carl. Wow. Ano na naman kaya ang plano ng magpinsan na to?

Una kong binuksan ang text message ni Ryan.

Ryan:

Call me once you received this message.

The hell.

He texted me para lang utusan na tawagan ko siya? Aish. Ang aga-aga pinapainit ng mga 'to ang ulo ko.

I still have ten minutes. I dialed his number at pagtapos pa lang ng unang ring ay sumagot na siya. He's really expecting my call huh?

"Ry, what the hell do you need?" Bungad ko.

He chuckled. "Chill hon. I don't want us to fight over the phone."

I took a deep breathe. Itong lalaking ito, kung ano-ano tinatawag sa akin eh. Nasanay naman na ako. So it's not a big deal. Pero ang big deal sa akin ay iyong hagikgik ng babae sa kabilang linya.

"Fuck Ry! Are you in bed with someone?" Hindi makapaniwala kong tanong. Sumulyap ako sa wall clock and it's almost 11:15 am.

"Sshh. Baka may makarinig sayo, Vien." Aniya. "Nandyan ba si dad?" He asked.

"Pinatawag mo ba ako para lang tanungin yan, ha?" Naiirita na talaga ako eh. "You're wasting my time, Ryan."

"Vien, favor please. If dad ask you about my whereabouts just tell him na I'm on a meeting, out of town ganon."

Napabuga ako ng hangin. I can't believe this. I can't believe him. "Ryan Angelo, I'm a lawyer and not a liar. Tigilan mo nga ako."

"Vienna—"

I ended the call. Kapag hindi ko pa tinapos ang usapan namin ay mapipilit na naman niya ako. And I hate myself kasi alam kong hindi na naman ako makakatanggi.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon