Bestfriend
“Living alone is hard. Hindi ka ba babalik sa bahay ng papa mo?” Natigilan ako sa pagnguya ng aking pagkain nang marinig ang tanong na iyon mula kay tita Lyn. Nakaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib. “It's been a long time since you saw each other. Hindi mo ba siya dinadalaw? As far as I remember, hindi din siya dumalo noong—”
“Mom..” Malumanay ang boses ni Ryan pero kababakasan ito ng pagpipigil sa kanyang ina. “I don't think this is the right place to talk about that.”
Nilingon ko si Ryan at hinawakan siya sa braso, I want him to know na okay lang ako. Although, talking about this makes me uncomfortable. Gusto kong isatinig na ayos lang ang lahat pero hindi ko magawa dahil hindi naman talaga.
Simula nang iniwan nila ako ay hindi na ako naging okay.
Family is such a sensitive topic in my case. Kapag ganitong usapan ay hindi ko maiwasang hindi masaktan o maging emotional.
Nilingon ako ni Ryan gamit ang nag-aalala niyang mga mata. I smiled at him. Alam kong pipigilan niya ako sa pagsasalita, pero hindi naman ibang tao ang nagtatanong sa akin ngayon.. it's tita Lyn. Hindi naman na siya iba sa akin.
I faintly smiled and shook my head.
“No, tita. Hindi na po ako bumalik sa bahay. And I don't think na babalik pa po ako don.” Mabilis kong sagot.
Gusto kong makumbinsi sila na ayos lang ako at masaya naman na ako sa buhay ko ngayon. Gusto kong ipaalam sa kanila na kaya ko namang mag-isa.. na nakaya ko mabuhay na wala sila, na wala ang mga magulang ko. Pero hindi pala ganon kadali. Dahil kahit anong pagpilit ko sa sarili ko na kaya ko at masaya na ako, may kung anong bahagi ng sistema ko ang naghahanap pa din ng pagmamahal ng isang ama at pag-aalaga ng isang ina.
Kung kagaya lang siguro ni tita Lyn ang aking ina, hindi ko kailangang maranasan ang ganito. But the sad truth is, napakalayo nila sa isa't-isa. Dahil si tita, mahal na mahal niya si tito Teo pati na rin si Ryan. Unlike my mom.
Naiyuko ko na lang aking ulo upang hindi nila makita ang lungkot at pangungilila sa aking mga mata. Nilaro ko ang aking mga daliri habang hinihintay kung may sasabihin pa ba sila.
“Bakit? Hindi ba maganda ang pakikitungo sa'yo ng step mom mo?” Tanong naman ni tito Teo.
They're now bringing my dad's new family in this conversation. It makes me feel more uneasy.
“Dad—”
Hindi ko na muna pinagsalita si Ryan. Gusto ko lang din na matapos na ang pag-aalala nila sa akin kaya sasagutin ko ang mga tanong nila. Even though answering them is like wounding myself again.
“I can't tell tito. Simula po nung umalis si mommy, umalis na din po ako sa bahay. So hindi ko po masasabi kung anong ugali nila. I've never had the chance din na makasama sila. I just know them as my dad's new family.”
Nakita ko kung paano napaawang ang labi ni Ryan nang pigilan ko siya. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Nanlambot ang puso ko dahil doon. Isa ito sa dahilan kung bakit naging matalik kaming magkaibigan.
He's the brother that I never had.
He's protective, caring, responsible and very kind when it comes to me. He's playful and a ladies man, yes, but that's because he's a Manalad. Other than that ay wala na akong marereklamo pa sa ugali niya.
“I see.” he nodded.
Tuluyang kong binitawan ang hawak kong kubyertos dahil tila nawalan ako ng gana sa pagkain. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan at huminga ng malalim.