Deep
Nanlalamig ang buong katawan ko. I can't explain if it's because of the rain or because of the pain brought by just seeing her.
Wala akong magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakatulala lang ako sa kawalan. Walang kahit na anong pumapasok sa isip ko bukod sa tingin niya sa akin kanina. I can't tell if she really saw me dahil wala naman akong mabasa sa mga mata niya. Or maybe, she already forgot me. Everything about me. Who knows right? It's fifteen fucking years since she left. Kaya malaki ang chance na nakalimutan na niya ako.
At ang daya. Napakadaya. Kung siya nakalimot na, bakit ako hindi pa? Kung siya nakaya niya, ako bakit hirap na hirap?
Lahat ng bagay na nagpapaala sa kanya, pilit kong iniiwasan dahil nasasaktan ako. Dahil bumabalik yung alaala nung iniwan niya ako. Pero bakit siya? Bakit parang naging madali anh buhay niya?
"Drink this para mainitan man lang katawan mo." Dumating si Carl na may hawak-hawak na isang cup ng hot chocolate. Inilapag niya iyon sa mesa at naupo sa tapat ko. We're back here on my house. "Get change after." he added.
I appreciate him for taking care of me. Buong biyahe namin pauwi dito sa bahay ay hindi siya nagtatanong ng kahit na ano tungkol sa nangyari kanina. But in his glares, I can sense that he wants to know what's going on with me.
Hindi naman naging sikreto ang nangyari sa pamilya ko. Alam nila na iniwan kami ni mama para sumama sa ibang lalaki at si papa naman ay nakahanap din agad ng bago. Para bang bago pa nila maisip na maghiwalay ay may reserba na sila kaya ayos lang na mawala ang isa. Pero paano naman ako? I lost them both. Walang naiwan sa akin. Wala akong reserba.
Life is so unfair.
I was busy on my room playing with my dolls when I heard a loud noise coming from our living room. Sunod-sunod na pagkabasag ng vases ang naririnig ko. I'm sure, nag-aaway na naman ang mga magulang ko. Hindi naman na bago iyon sa akin. Wala na sana akong balak na bumaba para tignan sila pero nang marinig ko ang malakas na sigaw ni papa ay natakot ako. Kinabahan ako.
Nangangatog ang mga tuhod ko habang bumaba sa hagdan. Yakap-yakap ko ang teddy bear na regalo sa akin ni mama noong pasko. Nangigilid na din ang luha ko. I don't know what to do.
"Ayoko na. Aalis na ako!" Nang marinig kong sinabi iyon ni mama ay agad akong lumapit sa kanya. Kumapit ako sa binti niya para pigilan siyang umalis. "Vienna," tinignan niya ako sa mata at pilit na pinapatayo.
Pero ayoko. Ayokong bitawan siya dahil alam ko na sa oras na bumitaw ako ay aalis si mama. Aalis ang babaeng mahal na mahal ko.
I turned to papa. Galit ang nasa mata niya. Hindi ko makita ang lungkot. "Pa, pigilan natin si mama." Paulit-ulit kong sinasabi kay papa pero wala lang siyang imik.
Iyak ako nang iyak. Wala akong magawa. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko kay mama ay parang hindi ko na mababago ang isip niya. Sa sobrang iyak hindi ko alam na nawalan na pala ako ng malay.
I woke up the other day na nasa kwarto na ako. Yakap ang teddy bear na bigay ni mama. Mabilis akong lumabas ng kwarto at hinanap siya sa buong bahay. But I found nothing. Nasa kwarto pa nila ni papa ang ibang gamit niya, pero siya wala na. She left us. She left me.
"Don't wait for your mom. Hindi na siya babalik dahil masaya na siya sa bago niyang pamilya."
That was the words from my dad. Araw-araw akong nakaabang sa gate, nagbabakasali na babalik si mama. Pero nang sabihin sa akin ni papa na may ibang pamilya na si mama, nawalan na ako ng pag-asa na babalik pa siya. Na babalikan pa niya ako.
Kaya pala ang dali lang para sa kanya na iwan kami kasi may bago na siyang pamilya. Ang sakit. Nadurog ako sa pag-iwan na ginawa sa akin ng sarili kong ina. Sa sobrang sakit ay pakiramdam ko mamamanhind na ako sa lahat ng klase ng sakit.