Pahina 25

145 6 7
                                    

Ligaw

"Nakapasok na din ba ako dyan sa puso mo?"

Damn him! I am lying on the couch while he's on top of me. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa natitirang espasyo sa gilid ko. Now that we're in this awkward position, parang may fiesta sa tiyan ko at nagpaparty na ang mga kulisap at paruparo. My heart's in race and my mind, I can't think straight.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang mga mata niyang nakatuon sa akin.. mula sa mata ko pababa ang titig niya sa labi ko. I bit my lower lip. Shit. Umiwas ako ng tingin, hindi ko matagalan na ganito siya kalapit sa akin at sa ganitong position pa talaga.

Nag-ring ang cellphone niya dahilan para pareho kaming mapalingon sa center table. Iritado siyang umalis sa ibabaw ko at naupo na ulit ng maayos sabay kuha sa tumutunog niyang cellphone.

What could've happen kung walang tumawag sa kanya? Will he claim my lips? Or will he just tease me? Tinapik ko ang sarili ko para magising sa kahibangan na ito.

Now, I can finally breathe properly. Nagawa ko pang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri habang pinapanuod si Carl. What's taking him so long to answer that call?

Agad akong nag-iwas ng tingin nang sumulyap siya sa akin. I tried to peek on his phone, pero di ko naman din nakita kung sino ang caller.

"It's Aina." he said. Hindi naman ako nagtatanong, pero kusa siyang nagsabi sa akin. So it's Aina.

I see. Kaya siguro siya nagdadalawang isip na sagutin kasi nandito ako. Is he afraid that I might hear them? Bakit? May importante ba silang pag-uusapan?

Damn! Nafufrustrate ako.

Tumango-tango na lang ako. It's kinda rude if he'll keep on ignoring her calls. Baka mamaya ay emergency pala iyon. "Okay." Tipid kong sagot sabay kibit-balikat.

I appreciate him for telling me na it's Aina. Atleast, hindi ko na kailangan manghula.

Tumayo na ako at handa nang humakbang palayo para mabigyan sila ng privacy sa pag-uusap nila. But Carl grabbed my wrist. Hinigit niya ako pabalik sa tabi niya kaya naupo na lang ako. I saw him slide the green icon on his phone, he finally answered Aina's call.

She put her on loudspeaker. "Carl! Where are you? It's late. Bakit wala ka pa dito?" Kahit hindi ko nakikita si Aina ay ramdam ko ang pag-aalala sa tono niya.

Nilingon ako ni Carl na para bang sinusukat niya ang reaksyon ko. And when he saw me with no reaction at all, nagkunot noo siya. "I'm.. Aina, don't wait for me, okay? Matulog ka na." Pikit mata niyang sagot.

"Ha? Why? Nasaan ka ba? I'll wait for you. Pinagtabi kita ng dinner."

Sumulyap ako sa wall clock, pasado 10 o'clock pa lang naman. Kung magdadrive na si Carl pauwi ay aabot pa naman siya sa bahay nila. Pero delikado na sa labas.

"I'll be sleeping on my condo, Aina. So you don't have to wait for me."

At bakit naman hindi siya uuwi sa kanila? If it's true na sa condo nga niya siya tutuloy, malayo yun dito sa bahay. It will took almost an hour before makarating sa condo niya samantalang kung uuwi siya sa kanila, nasa more or less thirty minutes lang dahil wala namang traffic sa isang daan na pwede niyang lusutan.

"Oh okay." Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses ni Aina. Kahit naman ayaw ng sistema ko sa kanya, hindi naman ibig sabihin non na i-invalidate ko na ang feelings niya. Babae din ako kaya gets ko siya. "Good night, Carl."

"Have a good sleep, Aina."

Carl ended the call after those words. I don't know what to feel anymore. I feel sad for Aina kasi alam ko yung pakiramdam na naghihintay. And I also feel pity for Carl, pakiramdam ko kasi ay naiipit siya sa sitwasyon. I asked him na paalisin sa bahay nila pero hindi niya magawa dahil kaibigan niya nga iyon. And now, he's doing his best to prove me na walang nangyayari sa kanila ni Aina kaya hindi siya uuwi sa bahay nila at kasabay noon ay kailangan niya magsinungaling kay Aina. And she's hurt.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon