I love you, I love you not
Nanatili lang ang mga mata ko kay Carl. I don't even know why I fell for him. My heart is still in ruckus with my brain. Ang bilis naman kung sasabihin ko na may malalim na akong nararamdaman para sa kanya. Para sa taong ni minsan hindi ko naisip na makakasama ko.
Lagi akong malayo sa kanya. I always find ways to get rid of him. Dati, ang rason ko parati ay dahil ang yabang ng dating niya. Ang presko at parang hindi ko talaga makakasundo. His usual cold stares and aura makes me want to stay away from him.
That's what I thought. Yan din ang dahilan na alam ng lahat ng tao sa paligid ko. But little did I know, the reason why I don't want him is the fact that he triggers me. The way he looks at me, nakakaintimidate. The way he talks, he walks, he dresses and everything he does, lahat yon ay may kakaibang epekto sa akin. Kaya gusto ko na malayo ako sa kanya.
Ngayon, hindi ko na siya napigilan. And my bitch self enjoys this fucking interaction with him. I want him near me. Kapag di siya nagpaparamdam, napapaisip ako kung anong ginagawa niya o kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. Damn. The fact that I kinda miss him is a strong signal that there's something inside me.
And the fact that my knees are always trembling when he's near me is a stronger reason to say that I have something special for this guy.
"Shit." Napamura siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Iritado niya itong kinuha sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag.
Umiwas ako ng tingin. Ayokong isipin niya na sinisilip ko ang kung sino mang tumatawag sa kanya.
"We'll talk later. I'll just need to answer this." Aniya at tsaka naglakad palayo sa akin upang sagutin ang tawag na iyon.
I wonder who called him para kailangan pa niyang lumayo. Is that too personal? Business? Or it's her girl? Maybe the last idea's the correct one.
Siguro ay si Aina ang tumatawag kaya kailangan nila ng privacy sa pag-uusap. The hell. Why would I care? Kausapin niya kahit sinong gusto niyang kausapin. Damn him!
"Nakakainis ka!" Gigil na gigil kong sabi at parang bata na nagpapadyak-padyak pa.
"Hey," natigilan lang ako nang narinig ko ang boses na iyon ni Silver. Lumapit siya sa akin at hinilig ang likod sa railings. Nandito kasi kami sa labas ng bahay nila. "Sinong nakakainis?" He asked. Halata naman na nang-aasar lang.
He probably saw me stomping my feet like a kid who is having tantrums.
I ignored his playful smile, "Wala naman."
He lean closer to me, "Di pa rin pala kayo okay ni Carl," he started. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa pagbanggit niya ng pangalan ng pinsan niya. This is weird and kinda scary. Damn. "I saw you two, talking."
Shit. Nakita niya? Anong nakita niya? I hope he's not overthinking on whatever he saw.
"You saw what?"
He smirked. "You really wanna know?" Mapanghamon niyang tanong. Argh. This guy really knows how to piss me. "I bet you didn't want to." And then he laugh. Yung tawa ng mga kontrabida sa movies.
I mock his laugh in a sarcastic way, "Funny."
"Ang sarap mo naman asarin. No wonder, Ry fell for you." Aalis na sana ako pero natigil ako sa sinabi niya. He really thinks that his cousin's inlove with me. "He's not into hot girls, ang gusto pala niya mga katulad mo.."
"And what do you mean by katulad ko, huh, Silver?"
Tinaas niya ang dalawang kamay, "Chill. Vienna, I didn't mean it the other way, okay? What I mean is, gusto pala ni Ryan yung babaeng dedicated sa trabaho, seryoso pero madaling mapikon. Yung masungit pero sweet."
