Pahina 5

233 7 5
                                    

Jealous

“Good morning po, ma'am. Ang aga niyo naman po.” bungad sa akin ni kuya Mario, ang security guard ng building na naka-duty sa mga oras na ito.

I looked at my wrist watch, it's past seven in the morning at mamayang nine pa ang start ng office hours. Sobrang aga ko nga talaga. And I don't even know why.

Matapos kong makauwi kahapon ay pinilit ko na ang sarili ko na matulog. Ni hindi ko nga kinausap si Alexa dahil ayokong magtanong siya ng magtanong tungkol sa nangyari sa araw ko dahil gusto ko na ngang kalimutan ang lahat. Everything that happened between me and Carl, lahat yon ay gusto kong makalimutan.

Pero hindi ko nagawa.

Hindi ko magawa.

Natupad ang kagustuhan niya, iniisip ko siya. In fact, hindi na nga siya mawala sa isipan ko eh. And that's not good. Hindi makakabuti sa sistema ko ang mainvolve pa sa kanya. Ryan is too much, hindi ko na hahayaan na madikit ako sa isa pang Manalad.

“I have a lot of work to do, kuya Mario eh.” Pagdadahilan ko. Its very unusual of me na pumasok ng ganito kaaga. I am dedicated to my work pero hindi ako umabot sa point na papasok ako ng ganito kaaga. I do overtime, yes. Pero hindi ganito.

Napangiti sa akin si kuya Mario habang may kinukuha sa drawer ng kanyang desk. “Akala ko pa naman ay pumasok ka ng maaga para walang makakita na ibibigay ko sa iyo ito.”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang inaabot niyang isang boquet ng red roses sa akin.

“Para sakin po 'yan?” Naguguluhan kong tanong. Sino naman ang magbibigay sa akin ng bulaklak? Hindi naman ganito ka-sweet si Ryan para padalhan ako nito. I'm sure he's busy with his own business kaya wala siyang oras para sa ganitong bagay. “Kanino po galing?”

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni kuya Mario at may halong panunukso na rin. Mabuti na lang talaga at wala pang tao kaya walang ibang nakakakita sa akin.

“Guwapong lalaki ang nagpapabigay niyan sa iyo.”

I rolled my eyes. “Kuya Mario naman eh. Ano pong pangalan?” Hindi ko na maitago ang kagustuhan kong malaman kung kanino galing ang mga bulaklak na hawak ko. Wala man lang nakalagay na card o kahit na anong papel.

Muling sumilay ang mapanuksong ngiti ni kuya Mario, “Galing yan kay Manalad.” Simple nitong sagot. Magtatanong pa sana nang bigla namang tumunog ang cellphone ng aming guard at humingi ng paumanhin dahil kailangan daw niyang sagutin ang tawag na iyon.

Wala akong nagawa. Habang naglalakad ako paakyat sa aking opisina ay hindi maalis sa isip ko ang bulaklak na ito. So this one is from Ryan, huh? Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking yun at may pabulaklak pa. Did he really think na madadala ako sa pa-flowers niya?

The moment I said yes to his evil plan na mag-pretend na girlfriend niya, para nang nalagay sa hukay ang isang paa ko.

Pagkabukas ko sa pintuan ng aking opisina ay agad akong nagpunta sa aking swivel chair at isinandal ang doon ang aking likuran. I missed my office. I missed my desk and everything about this room. Hindi na ako nakabalik dito kahapon kaya naman marami akong hahabuling trabaho ngayon.

I shut my eyes closed. Ngayon ako biglang nakaramdam ng antok. May oras pa naman ako para matulog, right? Masyado pang maaga para simulan ang trabaho.

Maybe a nap won't damage my image. And so I did. Nakapikit lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakakatulog.

Isang marahang haplos ang nararamdaman ko sa aking pisngi. The warmth of it's touches gives me comfort. Parang lalo ko lang gustong matulog. Sa bawat paghaplos ng palad na iyon sa kamay ko ay may kakaiba ring pakiramdam na dumadalaw sa tiyan ko. Why am I feeling butterflies? Really?

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon