Home
Mabilis na dumaan ang isang linggo. Parang kailan lang ay nasa San Jose ako at nabubusog ang mga mata ko sa nakikita kong mga bulaklak sa plantation. Pero ngayon, heto ako sa opisina ko at muling kaharap ang mga papel sa lamesa ko.
Hindi ko matapos-tapos ang pagbabasa sa isang pahina ng libro na inaaral ko. Lumilipad ang isip ko at hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.
Nilingon ko ang orasan at tanghali na pala. Siguro ay nagugutom lang ako kaya walang pumapasok sa utak ko sa lahat ng binabasa ko. Sinilip ko ang araw mula sa aking bintana, tirik na tirik ang sikat nito. Bigla tuloy akong tinamad na lumabas para kumain. Kung magpapadeliver naman ako ay baka kung anong oras na iyon makarating.
Sa susunod nga ay magbabaon na lang talaga ako para hindi ko na kailangan pa na mamroblema sa kung paano ako kakain ng lunch.
Tatlong sunod-sunod na katok ang narinig ko sa aking pintuan. Tamad na tamad akong tumayo at pinihit ang doorknob upang tignan kung sino ang nangiistorbo sa akin gayong oras ng lunch ngayon.
"I'm on a lunch break—"
"I know." Agad niyang putol sa sinasabi ko. His deep voice gives shiver down to my spine. Sa nagdaang isang linggo ay ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. At ngayon lang ulit kami nagkita.
"Carl," mahinang bulong ko sa pangalan niya. "What are you doing here?" Tinalikuran ko na siya at naupo sa sofa.
Kinailangan kong maupo dahil nararamdaman ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko. With just his mere present, my knees became week. Damn.
"Here," ipinakita niya sa akin ang paper bag na hawak niya. "I brought you lunch." Siya na mismo ang naglatag ng mga pagkaing dala niya sa center table na pumapagitan sa aming dalawa. Nakaupo siya sa sofa na nasa harap ko.
It's not like some food na binili sa restaurant. Para itong lutong bahay. Nakalagay sa mga tupperware ang kanin, ulam at mayroon pang mga hiniwa-hiwang mansanas at peras.
I know, he shouldn't be doing this. Hindi ko dapat siya hinahayaan na paglaruan ang feelings ko. At hindi ko na dapat hinahayaan ang sarili ko na matuwa sa maliliit na bagay na ginagawa niya. Umaahon na ako. Hindi na dapat ako madulas pa.
"Eat. If you don't want to eat while I'm here, then aalis ako. Just make sure na ubusin mo lahat 'yan."
Bakit ba pinapakita niya sa akin na concern siya? Bakit kailangan niyang pumunta dito para dalhan ako ng pagkain? Bakit kailangan niyang lituhin ang puso at isipan ko?
Inirapan ko siya. Kinuha ko na ang isang tinidor, binuksan ang ulam na adobo at ang kanin. Susubo pa lang sana ako nang makuha ng isang maliit na kulay pink na sticky note ang atensyon ko. Palihim ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat doon.
Enjoy your lunch, CK!
— Aina
Shit.
Paulit-ulit. Para akong sinaksak ng kutsilyo. Tama nga ang hula ko, nakatira na sa bahay nila si Aina. Magkasama sila. Damn!
The fact that she prepared a lunch for him, that means that they're doing well. Siguro nga ay nagkabalikan na sila ano? Masaya na siguro si Carl dahil finally ay naging sila ng babaeng gusto niya.
Umismid ako. Ibinaba ko sa lamesa ang tinidor na hawak ko. It's a glass table kaya makagagawa talaga ng ingay ang pag-bagsak ng utensil doon. Mabilis akong nilingon ni Carl. Sinusuri niya ako na parang nagtatanong kung anong nangyari sa akin.
Hindi ako makakuha ng lakas ng loob para magsalita. May kung anong bumabara sa lalamunan ko na pumipigil sa akin sa pagsasalita.
"Vienna, what's wrong? Are you okay?"