Pahina 10

162 7 2
                                    

Crazy

"Let's go."

Matigas na wika ni Carl habang hawak-hawak ang aking kamay. Dahil wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kanya ay nagpatianod na lamang ako sa paghila niya sa akin.

Kahit na ilang beses akong tinawag ng aking ama ay hindi ko na siya ginawang lingunin pa. Masyado akong nasaktan sa ginawa niya sa akin. Sa totoo lang ay inaasahan ko naman na talaga na may plano sila kung bakit ako ang napili nilang puntahan para gumawa ng deed of sale nila. Pero alam niyo kung ano yung masakit? Halos maniwala na ako sa mga sinasabi niya kanina. He cares for me. Damn. All for the show. Para lang mapapayag ako sa gusto niya.

Hindi na ba anak ang turing niya sa akin? Ano na lang ba ako sa kanya? Isang bagay na gagamitin niya para sa pansariling kagustuhan?

"Get in." Wala sa sarili akong sumunod lang sa utos niya. Pumasok ako sa loob ng kotse ni Carl.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na nasa tabi ko na rin pala siya. Kung hindi lang niya iritadong hinampas ang manibela ay hindi ko siya mapapansin.

Kahit nga yata gulat ay hindi ko na naramdaman. Para akong namanhid after that talk I had with my own father.

Mariin akong pumikit at kinagat ang aking ibabang labi. Gusto kong mapag-isa, gusto kong umiyak na walang nakakakita sa akin kagaya dati.

"I'm fine. Aalis na ako—”

Napapitlag ako nang bigla siyang sumigaw. "Damn, Vienna! Stay here."

Is he mad?

Anong ginawa ko? Anong kinagagalit niya? Wala akong panahon para atupagin ang galit niya dahil galit din ako. Hindi sa kanya, pero sa mundo. Nakakagalit ang laro ng tadhana.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago lumingon sa akin, "I'm sorry. I didn't mean to shout at you." aniya gamit ang banayad na boses. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ako at unti-unting nakakahinga ako mula sa galit.

Nilingon ko siya. He's intently looking at me. Hindi siya yung tao na inaasahan kong kasama ko ngayon. Never I imagine that I'll end up with him after that scene with my dad. Usually kasi kapag ganito, kay Alexa agad ako tatakbo o kaya naman ay tatawag agad ako kay Ryan..

Damn.

"Vienna," mahinang tawag niya sa akin. Hinawakan niya ako sa baba at marahang pinihit paharap muli sa kanya ang mukha ko. "Are you okay?"

Sa tanong niyang iyon ay biglaang nagtaksil ang mga luha ko at nagunahan sila sa pagbagsak. I hate crying in front of him. I hate that he has to see this weak side of me.

Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi at pilit na ngumiti. "I-I'm fine. Babalik na ako sa office."

"No."

"What?"

"I'm glad that you're fine. But the thing here is, I'm not. You have to do something about this."

Kumunot naman ang noo ko. Anong problema ng isang 'to? Hindi pa nga ako tapos na ayusin ang sarili ko tapos dadagdag pa siya. Sinabi ko lang na okay ako pero hindi naman talaga dahil I'll never be okay. My life sucks. Simula nang nasira ang pamilya ko, kahit kailan hindi na ako naging okay.

"What was that, huh?" he asked. Sa tono ng pananalita niya ay para bang may pagtataksil akong ginawa sa kanya.

This guy never fails to give me headache.

"Vienna, you're supposed to eat lunch with me. I texted you, right? Sabi ko susunduin kita. But," napahinto siya at ngumisi. And I totally forgot about his lunch invitation. "You're already with that Galvez. Sumakay ka pa sa sasakyan niya. Really, Vienna? Ganon mo na ba talaga ako kaayaw na makasama? Ha?"

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon