Pahina 22

147 9 4
                                    

Cold

A brand new day it is. Nagising ako sa lakas ng ulan. Bawat pagpatak nito sa bubong ay rinig na rinig ko. I searched for my phone, alas siyete na pala ng umaga. Mabuti na lang at wala akong trabaho ngayon. Mamaya ay makikipagkita ako sa secretary ni Madam A. Susubukan kong kausapin sila.

I cooked for my own breakfast. Hindi naman ako magaling sa ganitong bagay, just a normal breakfast will do. Egg, bacon, hotdog and fried rice. Iyon lang naman ang available sa fridge.

Cuddle weather. I smiled. Hinawi ko ang kurtina sa bintana sa may kusina kung saan tanaw ang labas ng bahay. Iyong maliit na garahe namin. I saw my car there.. and another familiar car.

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ng kotse ng lalaking 'yon dito sa tapat ng bahay ko? Ang aga-aga for Pete's sake! Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya. Kung nandito lang naman siya para pilit na ipaliwanag sa akin ang kalagayan ni Aina, mabuti pa ay umalis na lang siya. I don't have time for his shits.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagtitimpla sa aking kape. Ginugutom ako ng amoy ng niluluto kong fried rice.

Lalong lumakas ang ulan. Sumilip ako sa bintana, nandoon pa rin ang kotse ni Carl. Gusto kong isawalang bahala na lang siya dahil dapat ay wala na akong pakialam sa kanya, but damn, I just can't. Kung sobrang lamig kahit nandito ako sa loob ng bahay, siguradong lalo na sa labas.

Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang cellphone ko. I dialed his number.

"Vien," bungad niya sa akin pagkasagot sa tawag ko.

Bumuntong hininga ako. Pagod at lungkot ang nahimigan ko sa tono niya. "What are you doing in front of our house?" Diretsang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Tanging malalalim na buntong hininga niya lang ang naririnig ko. Kumukulog at kidlat na din. It's not safe to stay outside kung ganito ang panahon. Wala akong pakialam dapat pero konsensya ko naman kung magkasakit siya.

"You have umbrella on your car?"

"Huh?" Naguguluhan niyang sagot. "Y-yes, meron."

Mariin akong pumikit. "Get out of your car and come here."

Iyon lang ang sinabi ko at pinatay na ang tawag. Ayoko na magsalita pa.

Ilang minuto lang ay kumakatok na siya sa pinto. Agad naman akong dumalo doon at pinagbuksan siya. Halos nagulat pa ako nang makita ko ang hitsura niya. He's still wearing that long sleeves and pants he's wearing yesterday, pero ngayon ay wala na ang necktie niya at tatlong butones ang nakabukas. Gulo-gulo din ang buhok niya at mapupungay ang mga mata niya. His eyes shout tiredness, sadness and frustration.

Wala pa yata siyang balak pumasok at nakatitig lang sa akin kaya hinila ko na siya papasok. Pinaupo ko sa sofa. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya o kung anong ginawa niya the whole night to look like a mess right now.

Sobra para sa isang tao ang niluto kong breakfast kaya inaya ko na rin siyang kumain.  "Hindi ko alam kung anong hinahandang breakfast ni Aina for you, but for now, pagtiyagaan mo na lang luto ko." I said. Pilit kong tinago ang bitterness sa tono ko. Ayokong mahimigan niya iyon. I don't want him to think things.

"Thanks," matamis na ngiti ang ginawad niya sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko. My knees started to tremble. Para na naman akong matutunaw. Shit. "I love breakfast with you." Bulong niya na hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko basta ay uminit na lang ang pisngi ko.

Naupo na ako sa harap niya at nagsimulang kumain. Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya, ang tanging ginagawa lang niya ay humigop sa kape niya at titigan ako.

Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon