Smirk
"My treat, let's have some Saturday night after work." ani Attorney Luke. Kababalik niya lang at nagdidiwang siya dahil naipanalo niya ang isang importanteng kaso niya. "Gusto kong huminga," natatawa niyang dagdag.
Napangiti ako ng tipid. Sama-sama kaming kumakain ngayon dito sa pantry. It's Saturday and it's a case reading day today. Itong araw ang parang pahinga namin sa pagtanggap ng clients para bigyan ng oras ang mga gawain namin.
Pero hindi ko magawang mag-enjoy ngayon. Para pa rin akong nanghihina sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi.
Nagising ako kanina na nakahiga sa malambot na kama. Ang buong akala ko ay nasa isa sa mga guest room ako, but when I looked around I just found out that I'm actually sleeping on Carl's bed.
Malinis ang loob ng kwarto niya. It's a black and white theme from the bed sheets to the curtains, to his couch and to every small detail of his room. May mga abstract paintings din sa dingding. On his bedside table, may family picture sila at mayroon ding solo picture niya na nakalagay sa almost black and white din na frame. Every thing here has a touch of black and white. That's how oc he is.
I woke up in his bed but he's not sleeping beside me. I didn't know how I get here o paano ako nakatulog after our talk and that.. uhm.. kiss.
Pinilig ko ang ulo ko para iiwas ang biglang alaala ng nangyari kagabi. I roamed my eyes and there I saw him sleeping peacefully on the couch.
This is a king size bed. Masyado naman itong maluwag para sa isang tao lang, but then he still chose to sleep on that couch. Nagalit pa siya sakin dahil sinabi kong pwede naman na sa couch ako matulog pero heto siya at ganoon naman ang ginawa.
Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Natatakot na makagawa ng kahit na anong ingay dahil ayokong magising si Carl. Kahit sa pagpihit ng pinto ay naging maingat ako. Hanggang sa tagumpay akong nakalabas. Bumalik ako sa kwarto na pinagdalhan namin kay Ryan, and as expected, he's still asleep. I want to wake him up pero hindi ko na ginawa. Kinuha ko na lang ang gamit ko at nagpasyang umalis na. I still have to go to work today.
At dahil wala naman akong dalang kotse ay nag-taxi na lang ako. Pag-uwi sa bahay ay wala na din naman si Alexa. It's six in the morning, ang aga naman niyang pumasok.
Naghanda na ako para sa trabaho. I have enough sleep naman kaya diretso na ako ligo. Sa opisina na lang ako kakain.
"Are you free, Via?" Tanong ni attorney Laurice. "You should come with us. Minsan lang manlibre si Luke." Natatawa niyang wika.
"Aish. Hindi ka ba papayagan ng boyfriend mo?" kuryusong tanong ni attorney Luke.
Boyfriend? Oh. They're talking about Ryan.
Mahina akong tumawa. "As if he has a power over me."
Mabibigat na yapak ang narinig namin sabay bukas ng pinto ng pantry, iniluwa nito si tito Teo. "That's our Vienna. Kahit anak ko ang boyfriend mo, I won't let him control you." So he heard our conversation.
"Hindi ba mahigpit sa iyo ang boyfriend mo ma'am Via?" Tanong naman ni Aiko.
I can't stand longer with this kind of conversation. Siguro nga ay di rin talaga ako masasanay na ganito ang topic namin. Dahil pakiramdam ko sa tuwing ganito ang usapan ay kailangan kong paulit-ulit na magsinungaling just to put up with Ryan's lies.
"Uhm.. he's understanding, Aiko. Siguro dahil we started from bestfriends kaya," nag-kibit balikat ako. Hindi ko na alam ang isusunod ko. Ano pa ba ang pwede kong sabihin? Nag-iingat din ako dahil nakikinig si Tito Teo sa amin.
