Date
Malalakas na tawanan ang bumungad sa aking tainga pagkaapak ko pa lang sa bahay ng lolo ni Ryan, Mr. Amadeo Manalad. Pero sa kabila ng lakas ng ingay mula sa loob ay mas nangibabaw ang kakaibang pagtambol ng puso ko. Sobra sobra ang pagkabog nito sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Napapahigpit na rin ang hawak ko sa braso ni Ryan at kaunti na lang ay masasaktan ko na ang lalaking dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
I felt like I'm walking on my grave na ako mismo ang humukay.
“Sweetheart, calm down. Wag kang kabahan, okay?” Ani Ryan sa pinaka-malumanay niyang boses.
Imbis na mapanatag ang kalooban ko ay mas lalo lang ako nainis sa kanya. I wouldn't be in this kind of situation if not because of him and his evil plans.
“Vien, everything will be alright. Just trust me, okay?” he held my chin up and planted a soft kiss on my forehead.
I took a deep breathe. “Ry, I'm scared—”
Pero bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko ay natigilan na ako, kaming dalawa, nang marinig namin ang malakas na hiyaw ni Tori. Ang pinakamaingay niyang pinsan.
“Oooh! Look who's here! Ryan!” Lumapit siya sa amin at nakipag-bro fist sa kanyang pinsan. And then after that, he looks at me from head to toe. Alam kong kilala niya ako dahil maraming beses na rin naman kaming nagkita kapag sinasama ako ni Ryan sa family event nila like birthdays and yung huli ay noong kasal ng kapatid ni Tori, si ate Tyra. “And look who's with him, Attorney Vienna.”
I awkwardly smiled at him. Hindi ko nga alam kung paano ako magrerespond sa kanya eh. This is not me. Never akong nahiya or kinabahan sa harap ng ibang tao. I'm a lawyer for Pete's sake at normal na sa akin ang makipagusap sa maraming tao. Normal na sa akin ang ipagtanggol ang nasa panig ko. But this time, it feels so different. Parang nawawala ang pagiging Attorney Esclito ko.
“Tori, can you please tone down your voice. Sakit sa tenga.” Ani Ryan. Hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa braso niya at pinagsaklob ang mga palad namin. “Let's go inside. Ayokong puro boses nitong lalaking 'to ang sumira sa gabi natin.” Aniya na alam ko namang iniinis niya lang si Tori.
“Bro, you should be thankful na boses ko ang una mong narinig. Dahil once you enter that mansion, you'll be hearing wedding bells for sure.” Natatawa niyang sambit at naunang maglakad papasok sa loob.
Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko dahil doon. I can't even feel my legs.
“Vien, kung ano man ang marinig mo sa loob, just.. okay, alam kong may mga masasabi sila na hindi mo magugustuhan, but I want to assure you na hindi mangyayari ang lahat ng gusto nila. Dahil bago pa man nila magawa yon ay hiwalay na tayo. Na tapos na ang pagpapanggap na 'to. By that time, nakagawa na ako ng paraan at babalik na tayo sa dati.”
Gusto kong maniwala kay Ryan. Gusto kong maging okay ngayong gabi dahil alam kong matatapos din naman ito. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong sa bawat pagngiti ko ay may mga tao akong masasaktan at maloloko.
“Ry, I'm trusting you. Alam kong di mo ko sasaktan kaya ginagawa ko 'to.”
“Thank you, Vien. Thank you.”
Ilang sandali pa ay mas lalong lumalakas ang tawanan na naririnig ko, senyales na palapit na kami sa kinaroroonan ng pamilya Manalad. I can imagine their faces, those smiles will turn into something. Siguradong magugulat sila kapag iniharap ako ni Ryan sa kanila.
“Good evening, Lolo. Mom, dad, tito.. tita..”
At gaya ng inaasahan ko, gulat ang bumungad sa akin. Except Ryan's parents na ang laki ng ngiti sa akin. At naroon din ang hindi maipaliwanag na reaksyon ng mga pinsan niya. Hindi ko rin mabasa ang mukha ng kanyang lolo na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Nilibot ko pa ang aking mata at nakasalubong ko ang matatalim na tingin sa akin ni Carl. Napalunok ako. Parang gusto ko nang humakbang pabalik o kaya ay tumakbo na lang palayo.