Pain and Pleasure 2

104K 2.4K 168
                                    

 Lumilipas ang araw mas naging misteryoso pa para sa akin si Ezekiel. Bawat pagsisinuplado niya sa akin habang minamasdan ko siyang nag aayos ng pagkakakarga ng tubohan mas lalo lang akong nababaliw sa kanya.

Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakukuha ang isang Ezekiel Montenegro.

Bata paman ako alam kong hindi na matitibag ang aking nararamdaman para sa kanya. Ang kaibigan ko sinasaway ako dahil masyado raw malaki ang agwat ng edad namin ni Ezekiel. Who cares right?

"Catalena yan na naman?" matinis ang boses ni Cindy habang tinitingnan ang aking ginagawang collage pictures ni Ezekiel. Ilalaminate ko ito mamaya at ibibigay sa kanya. Hindi ko alam kung kailan siya babalik sa hacienda nila kaya ang bawat patak ng oras ay mahalaga para sa akin.

"Suportahan mo nalang ako Cindy!" Ngumiti ako sa kanya. Umirap ito sa akin at sinubo na naman ang lollipop niya.

"Seriously Cindy? Wa'g kana mag lollipop ang tanda mo na." Saway ko rito.

"Seriously Cat? Kahit matandang walang ngipin nag lolollipop e. Nagkagusto kalang sa isang bente tres 'e feeling immune ka na."

Humagalpak ko sa tawa at binatukan siya.
"Mature tawag dun hindi immune!"

"E' ganon parin yun!"

Naglalakad kami ni Cindy papuntang Cafeteria nang nag vibrate ang aking cellphone. Bawat madaan ko ay nginingitian ako at binabati. Popular ako sa school na ito. I'm the miss sweet heart at miss Southland High School. Isa rin sa mga sponsor dito si papa sa aming school. Bawat rooms ay may aircons at may sariling tagalinis bawat palapag.

Ang aming uniform ay kulay violet na hanggang hita ang palda. May krabat ang aming neckline at light violet ang pang itaas. Habang ang kaliwang dibdib namin ay may tatak na Southland High School. Meron ring College extension itong Southland but I guess, sa ibang kolehiyo ako mag aaral.

From Tristan: Nandito ako sa canteen libre kita!

Napailing ako ng mabasa ang kanyang message sa akin. Tinungo namin ang cafeteria at nakitang nag iisa doon si Tristan. Wearing a big eye glasses at may librong dala.

Siniko ako ni Cindy. "Ang guwapo."

"He's not my type. Si Zeke ang gusto ko." Bulong ko sa kanya.

Inirapan ako nito.

Katulad parin ng dati tinulungan na naman ako ni Tristan sa aming projects at assignments. Halos lahat na gagawin ko siya na ang gumawa. He's nice naman...pero kahit akong nice kung hindi mo gusto , hindi talaga.

"Hello Cat!" Biglang sumingit si Darla sa aking gilid. Nilagay ko yung limang libro na kakabili ko lang sa library dito kanina. Ang library kasi dito nagbebenta ng books lalo na kailangan iyon ng mga studyante. Isa na sa mga sponsor si papa sa mga kinakailangan ng eskwelahan na ito kaya every year rin may bagong mga libro.

May isang buiding rin ng laboratory. Sa tatlong palapag na yun ay puro computers ang laman ng bawat rooms. You will swipe your violet card sa gilid ng automatic door nito bilang bayad at kahit buong araw muna pwedeng gamitin ang computer. Ang violet card ay binibili dito. Kahit ilang tao pa ililibre mo dito sa cafeteria basta't may violet card ka. Ilang studyante lamang ang mayroon nito at kabilang na ako doon.

Kapag may klase kinokolek ng teachers ang cellphone at iba pang gadgets. Bawal magbolakbol dito. Ang bawat year ay may sariling school bus. Bawal mag kotse at bikes lalo na kung studyante palang depende kung may driver ka.

"Yes Darla?" hindi ko gusto ang ugali ni Darla. She's a bitch. Ugaling bitch...

Sinabit nito ng mabuti ang gucci bag nito sa balikat. Halatang pinaiingit ako. Huminga ako ng malalim at kinuha ang kakalapag ko lang hermes bag na kulay khaki.

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon