Nagising ako na nasa aming kuwarto. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Madamdamin akong tahimik lamang habang kinakausap ni Ezekiel ang doctor na tumingin sa akin.
Tahimik kong kinapa ang aking tiyan. Ni hindi ko namalayan na isang buwan na akong buntis. At dahil sa stress kaya ako nahimatay.
Nagpaalam ang doctor at umalis. Si Don Juanito kay nakarating na mula Manila. Nandito rin siya sa loob ng kwarto ko.
"You should rest hija. Son, maiwan ko na kayo." tinapik nito ang balikat ni Ezekiel. Zeke just nodded without breaking our stare.
Pakiramdam ko gusto ko nalang matulog ng buong araw. Parang hindi ko makapa sa sarili ko kung ano ba ang gusto ko.
Umupo si Ezekiel sa aking tabi at hinalikan ako sa noo. Nanatili ang aming noo na magkalapat. Ang kanyang hawak sa aking pisngi ay tila isang bulak lamang na sobrang gaan.
"Aalagaan kita. Kung noon hindi kita naalagaan noong buntis ka. Babawi ako ngayon. Pangako." he whispered.
Tumango ako at dinamdam ang init ng kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay may kakaibang ningning.
"Nasaan ang kambal?" tanong ko at umupo. Inalalayan niya ang baywang ko sa pag upo. He's wearing a white t-shirt and a black pants. Hindi nalilingat sa aking mga mata kung paano namumutok ang kanyang braso at ugat. Napanguso ako at inangat ang tingin sa kanya.
"They are asleep." Pumikit siya ng mariin at hinilot ang kanyang batok. "Fuck, I don't know what to do.Do you need anything? May pinaglilihian ka ba? Damn! I should do a research."
Napangiti ako sa narinig. Tila kausap niya ang sarili niya.
"Damn baby. I'm not joking around." He sneered and kissed my hair softly.
Kahit ngayon ay parang tumatalon parin ang puso ko sa tuwing ganito siya ka bait at sweet sakin. Parang isa akong teenager na kinikilig.
I bit my lip at kinuha ang isang bagay na pinakatago tago ko sa drawer. Halos hindi ako bitawan ng kamay niya ng kunin ko iyon. I even saw he bit his lips while watching my legs.
I can't even hide my smile. "Remember this?" pinakita ko sa kanya ang aking album noon na puro siya ang laman. Noong nag bubuhat siya ng mga prutas at tubo sa hacienda namin noon.
Napanguso siya at kinuha iyon sa akin. "This is mine now." he said.
Nangunot ang aking noo. Ang kanyang labi ay nakadikit na naman sa aking pisngi at humahalik.
"E ayaw mo nga nito noon."
"Noon iyon. And it's creepy that there's a child who's crazy over me."
Napasimangot ako. "Creepy huh?!Hindi mo talaga ako gusto noon." I snorted.
Niyakap niya ako ng mahigpit at huminga ng malalim.
"It's creepy because my heart keeps on pounding while watching you. Noong oras na iyon hindi ko pa maamin sa sarili ko na mahal ko na pala ang batang ito."
"Hmmm." I smirked. Kinagat ko ang labi at hinawakan ang kanyang braso. "Alam mo ba noon, noong buntis ako mahilig ako sa mga kambal na pagkain like,saging, atis.."
"Ngayon kahit quadroplets pa na pagkain hahanapan kita. Sabihin mo lang."
Nagpipigil na ako ng pagngisi. "Iba yata ang gusto kong kainin." I pushed him slightly. His eyes became dark. Nakuha ang gusto kong ibatid.
Ako na ngayon ang nakaupo sa kanyang kandungan at siya ay nakahilig sa sandalan ng aming kama.
Para isang reyna na sinasamba ng isang makisig na kawal.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...