He's cold to me. Natulog kami noong gabing iyon na iniiwasan niya ako. Tango lang ang mga sagot niya sa akin at iling. Aaminin kong may kasalanan rin ako. Hindi na sana ako nagpadala sa emosyon ko ng makita si Zeus.
Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Zeke sa aking tabi. Nakita ko siyang may katawagan sa kanyang cellphone. Narinig kong tungkol iyon sa kaarawan ng kambal. Kausap niya siguro ang isa sa mga cater.
He's wearing only his boxer. I even saw his rippled abs at mumunting balahibo na nakalatag doon. His hair is now a bit long. Hindi siya yung guwapo lang more like a warrior.
Nakita kong hinagod niya ang buhok bago nagpaalam sa kausap. Alas sais palang gising na siya.
Bumangon ako kaya napatingin siya sa banda ko.
"Hmm. Morning." subok ko sa kanya. Malamig itong tumango sakin bago hinaklit ang towel na nasa gilid. Napansin kong pawisan siya siguro nag gym siya tulad ng madalas niyang ginagawa.
"Magtatrabaho ka?" tanong ko ulit. I saw his face laced with annoyance.
"I'll sign some papers. Bibisitahin ko ang venue para sa birthday ng kambal ko bukas." he said simply. Napanguso ako dahil sa pagsisinuplado nito sakin.
"I-Ikaw lang?"
Tinapunan niya ako ng galit na titig.
"Stay here. Bantayan mo nalang ang kambal.""Pero may group study kami puwede naman siguro akong-"
"Uunahin mo 'yan kaysa sa anak natin Catalena?" halos isikmat niya iyon sakin.
What the hell?
"No. Siyempre aalagaan ko ang anak natin. Sa akin lang pangit naman kung hindi ako pupunta di'ba? E' group work iyon."
"Try Catalena." malamig na sagot niya sakin bago titig na titig sa bawat sagot ko sa kanya.
Tinalikuran niya ako bago lumagapak ang pintuan ng banyo. Naiwan akong naiiyak sa kama. Parang bumalik iyong nakaraan. Kung gaano siya kahigpit sa akin. Kung paano niya ako pagalitan. Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
Yumuko ako at tiningnan ang singsing na binigay niya sakin. Siguro naninibago lang ako. Bilang pamilya ay marami pa kaming pagdadaanan at isa lang ang mga 'to sa mga pagdadaanan namin.
Kahit sa pagkain hindi niya ako masyadong pinapansin. Ngiting ngiti siya na sinusubuan ang kambal. Nang umalis siya ay pinaliguan ko ang kambal katulong ang isang yaya ng mga to.
"Kalil, Zech, wag' kayong gagaya sa papa niyo ha? Binibigyan ako ng sakit sa ulo. Sana paglaki niyo ay hindi kayo ganoon ah!" Sabi ko habang binibihisan ang kambal.
Nakasimangot lang ang mga 'to habang titig na titig sakin. Ngumiwi ako.
"Hay! Sabi ko wag' kayong gagaya sa papa niyo!"
Ganoon parin. Wala silang reaksyon at titig na titig sakin. Napangiti ako kasabay ng pagkurot ng aking puso. Patagal ng patagal habang nakatitig ako sa kanila naiimagine ko na ganito noon si Ezekiel noong bata pa. Kaya kahit umiiyak ang kambal ay lumalambot lalo ang puso ko.
Buryong buryo ako sa condo kaya ng matulog ang kambal ay umalis ako. Balak ko na lang bumili ng librong gustong gusto ko.
Pababa na ako sa basement ng mataranta ang driver namin.
"Ma'am! H-hindi po kasi nagbilin si sir na aalis po kayo."
Nangunot ang noo ko. "Bakit ho? Bawal ho ba?"
Napakamot ito sa batok. "Iyon po kasi ang bilin sakin."
Umiling ako at umirap. "May importante akong bibilhin kaya hindi puwede na hindi ako makaalis manong. Kung ayaw niyo mag tataxi nalang ako."
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...