Pain and Pleasure 27

84K 2.9K 441
                                    


Kakaligo ko lang at inisa isang pinapadede ang kambal sa aking dibdib. Kung sa ibang pagkakataon ay  baka ayokong ma-late sa bakery. But now I am buying my time to think. Binabagabag ako ng mga nangyari kagabi kaya hindi na ako nagdalawang isip na umalis.

"Fuck! Paano niya nalaman?" bulong ko sa sarili at inugoy ugoy ang crib na duyan nang kambal na mahimbing natutulog.

Magtataka pa ba ako? Nalaman narin niya na may anak siya. Hindi na ba siya naniniwala na kay Zeus ang dinadala ko? Na walang may nangyari sa amin ni Zeus? Ngayon, ano ang mga gusto niyang mangyari? Kukunin niya ang kambal?Hindi!

Hindi ako papayag na kunin nila 'yung mga anak ko!

Halos sabunutan ko ang sarili at nakaramdam ng takot. Sa simpleng maliit na sulat na 'yun ay nagbigay na nang takot sakin paano kung sobra na sa susunod? Sasabihin ko ba'to kay papa? Kay William?

Umiling ako at tumayo. Inayos ko ang pagkakatulog ng kambal bago lumabas. Inayos ko ang suot na puting t-shirt at skirt para sa trabaho. Bago ako makababa sa hagdan nakita kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ni William. Huminga ako ng malalim at kumatok ng dalawang beses.

Mula sa pagkakatalikod tanaw ang tanawin sa labas. Umikot siya para maharap ako.

"Good morning. Puwedeng pumasok?"

Ang aga pa ay may hawak na siyang alak. Nakita niyang nakatingin ako sa hawak niya kaya binaba niya ito.

"Come in Catalena."

Inayos nito ang suot na polo bago umupo sa upuan na nandoon. Umupo rin ako kaharap niya.

"I-I was out last night." simula ko. Nakatingin lang siya sakin. Nilalaro ang kanyang labi tila nag iisip rin.

"And?" he probed.

"Ezekiel was there."

Ngumuso siya. Nagpipigil ng ngisi.
"That's bad. Too bad."

Pumikit ako ng mariin at inayos ang aking buhok. "William  natatakot ako na kunin niya ang anak ko."

Tumayo siya at nilapitan ako. Tinukod niya ang kanyang kamay sa mesa sa gilid ko at yumuko.

"Catalena  kung kukunin ni Ezekiel ang kanyang mga anak ibig sabihin, kukunin ka rin niya."

"What?" naguguluhan kong bulong.

Nagkatitigan kami. Huminga siya ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang daliri.

"You will know it soon. I can't blame Ezekiel. You're so beautiful to be true." bulong ni William na nagpalamlam ng aking mga mata. Hindi dahil sa nararamdaman kundi dahil alam kong mahal na mahal niya si Darla. He missed Darla so much.

Ngumuso ako at yumuko. Umalis siya sa harapan ko at may kinuhang papeles sa drawer niya.

"May mga bago tayong costumers. High end hotels here want our bakeries to supply their food court. Some of their costumers likes sweets and they chose us. But before that. I'd like to send you to them and show our portfolio."

"A-Ako?" tinuro ko ang sarili.

"And why not? You did it before. Right?"

I sighed.  "Fine! What time?"

Tinitigan nito ang relo habang kunot noo. "Hmmm,lunch time. Eleven."

Dahil doon nagbihis ulit ako dahil malapit na mag lunch time! Gusto ko maging representable sa makakasalamuha ko doon. I chose my dark gray fitted spaghetti dress. Pinaresan ko ito ng black sandals. Parang bumalik ako sa dati. Yung dating Catalena na ganito mag bihis.

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon