Pain and Pleasure 30

86.9K 2.5K 333
                                    



Namamanhid ako ng matapos ang meeting na iyon. Marami akong hindi alam at tanging si William lamang ang namamalakad ng lahat na 'to. Sobra sobra na ang dapat kong pagpapasalamat sa kanya.

The days passed. Kailangan na naming ayusin ang mga kailangan dito sa bakery para sa pag deliver nito sa Hotel nila Ezekiel. Our bakery were quiet famous here. Marami pang negosyo dito si William na hindi ko alam. Simple lang ang buhay na meron kami dito. He's a famous here but he chose to remain low key. Hindi siya maluho. Kontento siya sa bahay namin dito na simple at parang karaniwang tao lamang. He never brag about how many lands he owned,hotels, resort at iba pa.

Busy ako sa mga portfolio nitong bakery ng tumawag bigla si William.

"Hello Will. Bakit?"

"Are you busy?"

"Medyo. Nasa bakery ako. Magdedeliver tayo sa Hotel nila Ezekiel di'ba?"

"Yeah. Leave the work. Ikaw na maghatid ng portfolio. Kailangan nilang malaman ang costs ng bawat recipies natin."

"A-Ako na naman?"

"Sino ba dapat? Ako?"

Umirap ako sa ere. "Ang suplado mo. Nagtatanong lang ako." Ang totoo, kinakabahan na naman ako.

Humalakhak si William. "Ang cute mo talaga. Do it for me please. May kailangan lang kasi akong ayusin-"

"Ayusin? Stupid! How dare you kidnapped me! Ang anak ko doon!"

"Anak natin Darla-"

Narinig ko ang pagkakabuhol buhol nang linya. Nang una ay nagtaka ako pero unti unti kong naliwanagan ang lahat.

"Ilabas mo nga ako dito!"

"Shhh. Kung di kalang matigas ang ulo hindi kita kikidnapin." Kalmanteng sagot ni William.

"Stupid! Sino ang kausap mo? Ha? Tulong!!! Ang putang ina na 'to kinidnap ako!!"

"Makapagsalita ka sakin parang hindi ka sarap na sarap kagabi ah-"

"Agh! Shut up Will!"

Narinig kong nabalibag ang cellphone ni William at naputol ang linya. Naiwan akong nakanganga at gusto kong matawa.

I miss Darla so much!!

Ngising-ngisi ako habang binababa ang aking cellphone. Binilin ko muna ang mga gawaing sa araw na iyon sa mga maiiwan sa bakery.

Inayos ko ang sarili habang lulan ng sasakyan. Dahil nga akala ko ay sa bakery lang ako kaya ang suot ko kay simpleng white spaghetti top at black na skinny jeans. Nararamdaman ko ang pagpawis ng aking dalawang palad dahil sa kaba.

Susunod ang dalawang chief ng bakery at iilang samples ng aming recipies. I can't do anything though. Kailangan ko nalang matapos ang meeting na ito.

Pagkapasok ko ay may gumabay na sa aking babae na nakangiti. Tila ba'y nakahanda na ito sa aking pagdating. Sa glass door ay nakikita ko ang sarili ko. I am so insecure sa mga babaeng malaman ang katawan. Habang ako naman ay isa sa mga tinatawag na "petite".

Lalo na ng nanganak ako ay nadagdag ang aking pagkapayat. Maraming nagsasabing may kahawig akong model dito sa Italy. Siguro dahil sa pangangatawan ko.

Nang nasa tamang pintuan na ay iniwan na ako ng babae. Humugot ako ng mahabang hininga at kumatok ng dalawang beses bago binuksan ito.

I pursed my lips when I saw him leaning his back on his swivel chair,tila, inaabangan na ako. Umayos siya ng upo at pinagsiklop ang mga palad sa mesa.

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon