Kinakastigo ko ang sarili sa pag iisip ng ganon. Hindi ko dapat husgahan ang taong nakaranas ng karahasan. Ayokong maging isa ako sa mga taong pinagmumulan ng karahasan.
Naging mas busy kami ngayon dito sa hacienda. Lalo na't inaayos nila Don Juanito ang sitwasyon ni Venus. At tama nga sila. Si Venus ay isang Escobar. Ang ama nga nito ay totoong brutal.
Iniwan ko ang kambal pagkatapos kong patulugin. Ang ihip ng hangin dito sa hacienda ay malamyos at sadyang nakakaantok. Kahit nakaramdam ako ng antok ay pinilit kong bumaba at hanapin si Venus na medyo nakakausap na namin ngayon kaysa noong kailan.
Sila Darla ay pumupunta rin dito. Minsan siya lang mag isa. Minsan kasama niya ang anak at si William.
I miss my father too. He's busy right now. Naging mahirap rin dahil magtatransfer ako dito sa probinsya nang pag aaral.
Napangiti ako ng makita si Darla at Venus sa kusina. Si Venus ay mahilig pala magluto. Ngayon, gumagawa siya ng leche flan.
"Uy! Sarap niyan!" nilapitan ko sila. Si Darla ay nakaupo lang at umiinom ng juice habang si Venus ay tila nanginginig sa presensya ni Darla.
"A-Ah Catalena. Nakatulog na ang kambal?" aniya ni Venus habang nagascramble ng itlog.
"Oo. Marunong ka pala niyan. Paturo naman! Ikaw Darl?" tanong ko kay Darla na nag taas ng isang kilay.
"I'm fine here." sagot niya.
Una, tinitingnan ko muna ang mga ginagawa ni Venus kaya ginaya ko.
"Kapag marunong na ako nito ay gagawa ako para sa mga haciendero." masayang turan ko. Pinunasan ko ang aking pawis sa noo.
"Si Ezekiel? G-Gusto niya ba to?" tanong ni Venus sa akin.
"Uh. I don't know. Hindi siya mahilig sa sweets eh."
"Oh! Okay."
Dahil nga akala ko marunong na ako. Nagsarili na ako at para mapadali 'yung mga ginagawa niya. Nilagay ko na sa lalagyanan ang mga fix ng ingredients.
"Hey! Hindi pa iyan!" I was so shocked! Sinigawan ako ni Venus.
"S-Sorry." nataranta ako.
"Magpapainit pa ako ng sugar dito! Hindi mo pa sana nilagay muna!" She tsked. Napalunok ako at tiningnan ang mga iyon.
"Tatanggalin ko nalang-"
"Huwag ka nalang tumulong!"
"Hay! Ang daming insekto dito sa kusina Cat. Hindi na'ko magtataka one day kung may ahas na makapasok dito." singit ni Darla na nasa labi pa ang baso. Kakatapos lang uminom.
I don't know. I'm on a verge of shouting. Parang gusto ko ring sigawan si Venus. Nagpipigil lang ako dahil sa kalagayan niya.Pareho kaming natigil ni Venus sa ginagawa. Nanahimik ako at nanatiling nakatingin sa mga ingredients.
"What do you mean?" Venus asked with different tone.
Tumayo si Darla at lumapit sa tabi ko.
"You know. Mahirap pag ahas kasi tahimik. halos hindi mo nalalaman. Halos patago. Hindi mo alam na may nakapasok na palang ahas na may dalang lason. Hindi mo alam na may tutuklaw na saiyo patalikod. Isn't it scarry Ve?" maarteng tono ni Darla.Napalunok ako at napatingin kay Venus na maiiyak na ang mata. "Are y-you reffering to me? G-Ganyan ang tingin niyo sakin? Iniinsulto mo'ko?"
"Oh?" sinapo ni Darla ang dibdib. "I am not insulting you.I am describing you bitch!"
"G-Go to hell!" Venus shouted. Natataranta na ako.
"Darla, tama na." pigil ko. Si Darla ay namumula rin ang mata at nagtitimpi.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...