Naghihisterya ang babae. Ang katawan nito ay puno ng pasa. Mga pasang humilom at may bagong pasa. Doon palang alam ko na may matinding pinagdadaanan ang babaeng ito. Kahit noong hawakan ko ang kamay niya hinawakan niya rin ang kamay ko pabalik ng mahigpit. Ramdam' ko ang panginginig ng katawan niya.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Zeke na nasa hamba ng pintuan. He talked to the doctor. Kailangan yata namin ng psychiatrist para sa babaeng ito. Mukhang minaltrato raw kasi.
"Kawawa naman siya." Sabi ko ng makalapit. Hinawakan nya ang aking baywang at hinalikan ako sa ulo.
"Yeah. Anong gusto mong gawin natin?" Malambing na tanong nito. Pinapaubaya sa akin ang lahat na desisyon.
"Kausapin kaya natin siya kapag nagkamalay?"
"We will." hinaplos niya ang aking buhok. "We should rest. Birthday ng kambal bukas."
"Pero kawawa ang babae. Ni wala tayong alam kung saan siya galing."
"Pinaimbestigahan ko na. Hihintayin pa natin ang results ng XRay."
Tumango ako. Nang matapos ang dalawang oras ay binigay na sa amin ang results.
"Bandang dito sa left side ng buto niya . " Tinuro nito ang tuhod. "May crack ito at tingin ko ilang buwan na ito dahil sa pamamaga. Even her fingers ay basag basag." Doctor Cecelio explained.
Napamulagat ako. Nakaramdam ng kirot habang tinitingnan ang babaeng natutulog at mala anghel ang mukha.
"Dapat tutukan ang ganitong kaso. She's obviously abused. Look at these." binigay nito kay Zeke ang isang papel.
"She was raped. Her hymen was freshly broken and she's sore."
Nasapo ko ang aking labi. Naiiyak akong hinawakan si Zeke. Huminga ito ng malalim at niyakap ako.
Dahil pwede naman 'raw iuwi ang babae. Iniuwi namin ito ng magkamalay. Tulala lang ito buong magdamag.
Dahil sa nangyaring ito. Cancel ang aming transaction sa venue. Pinili nalang namin na sa hacienda Montenegro ito ganapin para narin maisali ang mga haciendero nila Zeke.
"Ayos ka na ba? Nasa hacienda tayo." mahinang tanong ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin ng malamyos. "Hindi kita sasaktan. Ang babait at bubuti ng mga tao dito. Walang sasakit sayo dito huh?"
Namula ang mga mata nito at napalunok. She's wearing a white ruffled dress. Damit na noon ay sinusuot ko.
"Magiging busy kami dahil kaarawan ng kambal ngayon ha? Tsaka wag' kang mahiyang lumabas kung gusto mo. Walang masamang tao dito. Nasa mabuti kang kamay."
Ang mga galos niya at sugat ay ginamot na. May kinuha akong katulong para sa kanya.
"H-Huwag mo'kong ibalik sa k-kanila." sinapo nito ang labi gamit ang nanginginig na kamay. Impit itong umiyak sa aking harapan habang nakaupo siya sa kama.
"H-Hindi kita ibabalik." panigurado ko.
"A-Ang daddy.H-he's powerful. B-Baka anong gawin nila s-sainyo."
Umiling ako. Tama ako. Mayaman siguro ang pamilya ng babaeng ito.
"K-Kaming bahala. Anong pangalan mo?"
"V-Venus.Venus Escobar."
"Maraming kilala si Ezekiel na mga Escobar."
"Wag' niyo akong ituro! P-pwede niyo naman akong hayaan nalang at wag' nalang sabihin sa kanila dahil magpapakalayo ako. Mga demonyo sila!"
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...