Kumalabog ng husto ang puso ko. Nakita kong dumapo ang tingin nila sa mesa namin kaya nag abala akong inumin ang juice na nasa mesa. Nanatili seryoso lang si William at tahimik si Darla.
Alam kong papalapit sila kaya hindi ako nag angat ng tingin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang presensya ni Zeke sa aking gilid. He touched my shoulder and bent so he can whisper.
"My friends." bulong niya. Kinagat ko ang labi at ngumiti.
Lisa is so beautiful. Hawak ng isang lalaki ang kanyang baywang.
"Hello! I'm Lisa! And my husband, Anton Dela Vega." she introduced. Umawang ang labi ko nang naglahad siya ng kamay sa akin. Nanatili naman ang tingin sakin ni Zeke, a bit amuse with my reactions.
"Uhm I'm Catalena." tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at maging kay Anton. So she has a husband!!
"My fianceé." dugtong ni Zeke sa aking pagpapakilala. Humalakhak si Anton at ngumisi.
"Mabuti hindi kana mahilig sa rambol ngayon Zeke?" paunang topic ni Anton nang makipag fist bump ky William! Magkakilala rin sila. Darla remained poker face!
"Shut up." sagot ni Zeke.
Umiling lang si Lisa at tinampal ang hita ni Anton. Then, Anton licked his neck! Napaka PDA nila!
My mood lighten up. Dahil nga dakilang gusto akong makausap at makabonding ni Lisa ay hiniling niya sa mga boys na mag iba kami ng mesa. Girls talk 'raw!
Pinagbigyan naman kami. Bawal nga 'raw yung alcohol samin. Nag order pa sila Zeke ng karagdagang case ng beer sa kanilang mesa. Sa kaliwang bahagi lamang namin. Habang kami ay inorderan nila ng mango shake at iilang sweets.
"I'm glad Zeke found someone who can tame him." palakaibigang sabi sakin ni Lisa.
Umiling ako at tinikman ang mango shake. "Not really. Napaka suplado parin niya."
Ngumisi si Lisa. Papalit palit naman ang tingin samin ni Darla at alam kong nangungutya iyon sakin!
"Alam mo narinig ko ang nangyari sa inyo noon. Basta talaga kilalang pamilya bawat kaganapan nasa balita na o newspaper agad. I saw him wasted." Seryosong sinabi ni Lisa. "Pasensya kana ha! Ang gaan kasi ang pakiramdam ko sayo. Gusto talaga kitang maging kaibigan."
Ngumiti ako pero hindi iyon genuine lalo na sa mga narinig.
"All of us deserve a second chance." singit ni Darla. Tumango naman si Lisa bilang pag sang ayon.
"Ang mga lalaki kasi hindi pinapakita kung ano ang totoo nilang nararamdaman.But deep inside they are hurting too."
Sumimsim naman si Darla sa shake niya at tumango ulit. Nilihis ko naman ang tingin at tinignan sila Zeke. My eyes widened my I saw someone whispering to William! Pare pareho kaming napatingin doon! Tatlong babae ang nandoon! Nagsusubok na makipag kausap sa kanila!
Hinilig lang ni Zeke ang kanyang batok sa sandalan ng upuan at pumikit. Nawala ang ngiti sa labi ng babaeng kumakausap sa kanya.
Habang ang isang babae yata na kumakausap kay William ay dakilang malandi! Hinawakan pa nito ang dibdib ni William and he just smirked. Kinakabahan akong tinignan si Darla pero nakasimsim lang siya sa shake niya tila walang nangyari. Na tila ba wala siyang pake. But of course I know my bestfriend!
"That's Tiffany right?" si Lisa.
"Ha?" kunot noong tanong ko. Nag aalala sa kaibigan ko.
"Si Tiffany. S-siya sana y-yung papakasalan ni William di'ba?" Lisa dropped rudely.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...