Pain and Pleasure 33

81.4K 2.5K 582
                                    

Ezekiel don't give up easily. I rejected his proposal then he left. I thought he'd stop  but I was wrong. Mas naging pursigido siya. Mas naging masikap siya. Kahit na halos hindi ko siya pinapansin habang kalong niya ang dalawang kambal nang gabing iyon. Naistorbo ang tulog nang kambal dahil sa kanya, at himalang hindi nagsiiyakan ang mga 'to.

Kahit anong gawin kong pagtatakwil ay  nanatili siyang matibay. Pakiramdam ko tuloy ay dahil iyon sa kambal. Of course! Sinong ama ang hindi gustong makasama ang mga anak?

Napasabunot ako sa sariling buhok nang maalala kung ilang araw si Ezekiel pumupunta sa bahay. Ilang beses ko rin siyang nakikita. Nakuntento rin ako dahil hindi niya ako kinakausap. He's civil. Hindi ko alam kung malulugod ba ako o maiirita doon.

"The rejection is all over the news Cat." Magkasama kami ni Darla rito sa school. She continued her studies too.

Ngumuso ako dahil nakita ko rin iyon. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ni Ezekiel dahil sa pagkalat noon. Kung alam ko lang ay baka iyong ibang babae na patay na patay sa kanya ay nagdiriwang.

Marami akong naririnig na mga nalilink sa kanyang mga babae. I can't blame them. He's like a chick magnet. Lalo na sa mga gatherings and events. I saw a couple of photos Ezekiel with a chick.

"Ba't ba kasi napaka feeler mo?" naglagay ito ng concealer sa kanyang freckles sa mukha.

"Hindi ba puwedeng nasaktan lang ako?" pabalang na sagot ko sa kanya. Inirapan ako nito. We are wearing our uniform. I am taking Bussiness and she's taking Tourism. Nag iba na ang gusto niya ngayon.

"God! May anak na kayo! Partida pa!  Ikaw naman iyong nagnamani-ubra para mag bunga!"

Napangisi ako sa kaibigan kong ito. I missed being with her. Miss ko yung pagkaprangka niya.

Last period namin ng biglang bumuhos ang ulan. Ang ulan na may kasamang kulog at kidlat. Shit.

It's going to be a bad afternoon for me.

Dito sa school. Maraming issue. Hindi matapos tapos. Issue sa kanila ang pagiging dalagang ina. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa kanila ang pagiging dalagang ina? Hindi naman sila ang gumastos doon at walang maagrabyado sa kanila kaya ba't sila nanghuhusga?

People nowadays.  Pero hindi dapat itotolerate ang pagiging batang ina. May iba't ibang istorya pero hindi dapat inormalize ang ganoong bagay.

Abala na ang mga kapwa ko estudyante palabas at ang iba ay sumisilong sa alley o di kaya sa gazebo. Meron ring may mga dalang payong. Mga ganitong oras hindi ko mahagilap si Darla lalo na't ayaw nito akong makasabay sa pag uwi. Meron silang sariling bahay ni William sa isang mamahaling village habang ang mansyon ngayon dito ni William ay ako na ang nakatira.

Hawak ko ang iilang libro nang biglang may bumangga sakin.

"Opps!" natatawang sapo ni Stella ang kanyang bibig. "Pasensya na. Hindi ko akalang tao pala akala ko basura."

Napalunok ako at napatingin sa paligid. Before I was like a queen of our campus. Like a spotlight in the dark. Pero ngayon marami nang nagbago. My lifestyle change at hindi na tulad ng dati. I know now how to keep my money. I know how to live practically.

"Stella." singhap ko at pinulot ang mga nahulog na libro. Narinig ko silang nagtawanan.

"So the gold digger is studying here. How could you afford this kind of University? Gold digging again? Sinong matanda na naman ba?"

"Stella please? I'm going home." gusto kong umiwas pero hinarang niya ako. Her friends smirked.

"You should know where your place rat! And this is not your place!"

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon