Pain and Pleasure 22

71.2K 2.2K 291
                                    

  I was so scared. Pakiramdam ko nasa loob ako ng kulungan na walang pintuan at bintana.Dark and alone. Marami akong gustong gawin at malaman. Masyado lang ako naging tago at takot.

  I am inlove with him. Kahit noon pa. Alam ko na ako ang pumilit. Mas mahirap pala kapag nakikita at nararamdaman mong iba ang gusto at mahal niya. That's why, I am afraid to do what I want. Tingin ko  isang kilos ko lang mali.

Masalimuot ang mga naging araw ko. Kung malamig siya noon mas lumamig siya ngayon.

"Hija, eto' pala ang gusto mong lomi. Maraming repolyo di'ba?" si yaya Nora at nilapag iyon sa aking harapan.

Tumango ako at pinaglaruan ang kutsara.

"Mamaya nandito na ang teacher mo. Gusto mo bang sa library o sa pool area kayo?"

Simula nang malaman na buntis ako, hindi na ako pinayagang mag aral. Dito lamang ako sa bahay. Homeschooled. Naninibago at nalukungkot.

 
  Sa isang linggo meron akong tatlong guro. Mga guro sa Unibersidad na pinanggalingan ko. Pagkaanak ko ay  puwede na akong bumalik doon para mag aral pero alam kong malayo pa iyon. Alam kong mahal ang bayad ni Ezekiel sa kanila lalo na't college ako.

  Alam ni yaya Nora ang mga nangyari. Siya ang nag aalaga sakin ngayon.  Nasasaktan ako tuwing maalala ang mukha ni papa nang malaman ang lahat. He's furious. Hindi ko na alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay  nasasaktan ko ang mga tao na nasa paligid ko.

Gusto kong lumayo. Malayo sa sakit na ito.

"Sa pool area nalang ya."

"Sige. Ubusin mo na iyan."

  Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako para sa pag aaral. I spent my four hours  with my teacher.
Ganoon parin tulad ng dati. Gabi na ulit umuuwi si Zeke at kung umaga halos hindi na kami magkita.

May mga alam ako pero takot ako na ako mismo ang makakita. Takot ako na baka ako mismo ang susuko at ayokong mangyari iyon.

Nasa gitna na ako. Nasa gitna na ako ng aking pinaghirapan. Susuko pa ba ako?

Kakatapos lang mag ayos. Tamad akong umupo sa harapan ng tokador. Mas naging maputi ang aking balat. May itim na bilog sa ilalim ng aking mata. Pumayat ako at hindi maipagkakaila ang pagbabago sa aking pisikal na anyo. Mas lalong kumurba ang aking baywang at numipis. Lumaki ang aking dibdib at malulusog. Hindi pa halata ang aking dinadala. Sa kabila ng puti ay kumikinang ang aking balat.

Nagsuot ako ng kulay beige na dress. Isang dollshoes at hinayaan ko ang buhok na nakabuhaghag. Pinasadahan ko iyon ng aking daliri at dumapo ang kamay sa aking tiyan.

Nanubig ang aking mga mata. No matter what it brings, bubuhayin ko'to.

I took my pouch at lumabas ng aking kwarto. Nang makalabas ng pad ni Zeke. Napapikit ako ng sumunod agad ang tatlo kong body guards.

"Sir. Lumabas po siya." narinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Alright sir." sabi pa nito.

Ilang sandali pa bago makalabas ng tower umingay na ang cellphone ko.

I gasped when I saw Zeke's name.

"H-Hello." Napakapit ako sa aking dibdib ng mas lumakas ang tibok ng puso ko.

"Uulit ulitin ko pa ba Catalena?" I can taste his madness. "Alin sa mga sinabi kong hindi ka puwedeng lumabas ang hindi mo maintindihan huh Catalena?"

Huminto ako sa paglakad. I bit lips. "Magkikita lang kami ni Darla Zeke." mahinang sagot ko.

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon