Malamig sa labas at wala akong nagawa kundi ang tumunganga sa nilalamig na kristal ng bintana. I can't stop my own tears. Pa ulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang pag iyak ni Ezekiel ng oras na iyon. Namimilipit ang aking dibdib sa sakit.
Noong umalis ako. Iniwan ko narin at kinalimutan ang aking pagmamahal sa kanya. Tinanggap ko sa sarili ko na wala ng pag asa.
Dito ako ngayon at hindi pa handa sa kahit ano. Yes, maybe I am so selfish. But this is the pain made me. It made me numb and afraid to risk again.
I am not ready for any commitment. Ang tanging laman ng utak ko ay ang magtrabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang kambal sa paglaki nila.
I am happy to see my father with his own family. Isa sa mga nagpapasakit sa aking puso ito. Kung wala ang kambal? I don't know if what I am now. Sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.
Napabaling ako sa aking gilid nang marinig ang singhap ni William sa aking gilid.
"Kailan kapa kaya sasaya?" umupo siya sa tabi ko at hinimas ang aking buhok.
Nararamdaman ko ang pag sakit ng aking mga mata dahil sa pag iyak.
"Nandito kana.Nasaan si Darla?""Home."
Tumango ako at pinunasan ang luha.
"How's the vacation?""Fine."
"Mabuti naman. Kumain kana at magpahinga-"
"Stop being like this Cat." Ngumiti siya at ang kanyang titig ay aking kaginhawaan. "Gusto kong pawiin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo but I know that all of these will make you stronger."
"Yeah. Lahat tayo ay dumadaan sa ganito." sagot ko.
"Ni minsan ba hindi mo naitatanong kung bakit ko'to ginagawa?" William whispered. Hinalikan niya ng paunti unti ang aking noo.
I stilled for a moment. Ang pait at sakit ay nauwi sa aking mapait na pagngiti. He caressed my cheeks gently. I closed my eyes.
"I love you." paos na sabi niya. Nanatili akong nakapikit. Dinaramdam ang paghapdi ng sariling puso.
"I care for you." dagdag niya. Tumango naman ako. Nilapat niyang muli ang kanyang labi sa aking noo. "My little sister."
Tuluyan ng pumatak ang aking luha. I knew it. He's my comfort zone. I felt comfort with him. I felt something between us. A string. A bond. Coz' we're family.
Binaon niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. Humikbi ako.
"K-Kuya."
Tumango siya. "You feel it?"
Sunod sunod na pagtango ang aking sagot.
"I will take care of you. Because you're the only one I have now."
Minsan ng mapadpad ako sa kuwarto ni William. I saw a family pictures. Kahit maliit pa siya doon kilala kong siya iyon. Kahit sa litratong iyon ay nakaramdam ako ng kakaiba sa mag asawang nandoon. Alam kong wala na sila at si William nalang ang meron ako ngayon.
I waited for this moment. Marahil may mga tao akong binitawan pero may taong nanatili sa tabi ko at si William iyon.
Bibitawan ko ang mga taong nasaktan ako at iiwan ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako.
Nanahimik ako ng malaman ang mga iyon. Marami akong nakita at katibayan. Isang katibayan narin ang aking nararamdaman. No doubt.
Kinalimutan ko ang mga tagpong iyon ni Ezekiel. Pinagpatuloy ko ang aking araw. Palagi kong ginagala ang kambal. Kung day off ko ay ginagala ko sila sa malapit na park dito. Habang lumalaki sila ay mas nagiging kamukha nila lalo si Ezekiel.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...