Umalis ako pagkatapos ko siyang itulak ng napakalakas. Napakalas dahil ayaw niya akong bitawan. Namumugto ang aking mga mata habang pauwi. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib sa hindi inaasahang pangyayari.
Why William let this? O baka sinadya niya itong mangyari?
Halos sabunutan ko ang sarili. Bumaba ako ng sasakyan ng makarating. Gusto kong komprontahin si William.
Ang totoo, wala akong planong itago ito kay Ezekiel noon pa man. Simula nang isilang ko ang kambal. Dahil akala ko, hindi niya malalaman ang tungkol dito at ang alam ko, ang alam nila ay si Zeus ang ama.
Ngayong nangyari ito, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Lalo na't ganon ang pakikitungo sakin ni Ezekiel. Naninibago ako. Sobra. Malayong malayo sa Ezekiel na nakilala ko noon. Shit.
Isang kalabog at sigawan ang narinig ko sa sala. Nangunot ang aking noo at nawaglit ang mga dapat isipin.
Nakita ko si Stella, luhaan. Namumula rin si papa.
What is happening....Wait.
"Stella?....papa?" naguguluhan ako. Pa salit salit ang aking tingin sa kanilang dalawa.
"A-Anak..." namutla si papa.
Stella snorted and wiped her tears. "Sabihin mo sa kanya ang lahat. Pakiusap. Wa'g mo nang itago."
"Stella hindi!" binalingan ako ni papa. "Anak, magpahinga k-kana. Pumunta kana saiyong kwarto."
Kinabahan ako. All my life, nabuhay ako sa pagmamando ng ibang tao. But now, I think, ayoko. May dapat akong malaman lalo na't kumakalabog ang aking puso.
"A-anong dapat kong malaman papa? Stella?"
Umiyak si Stella. Parang kakaibang Stella ang nakikita ko ngayon. Hindi si Stella na masayahin at kaibigang kilala ko.
Rinagasa ako ng kaba. Pamilyar na kaba. Naalala ko si Cindy. Fuck.
"Papa! Tell me! Ano na naman ito?!" Tumaas ang aking boses at bumuhos ang aking luha. Takot sa mga malalaman at takot sa sakit na mararamdaman.
"Anak.." He tried to reach me. Lumayo ako.
"T-tell her.I've been through enough papa."
Papa?
Pumikit ng mariin si papa. Gumuho ang aking mundo.
"Stella...don't..'' diin ang boses ni papa.
"No! Dapat niyang malaman ang totoo. Marami na akong pinagdaanan para makalapit sayo! Marami akong napagdaanan para makita kalang papa! Tell her! Sabihin mo na kahit patak ng dugo mo wala siya! I am your real daughter! She's a daughter of your fucking first love sa ibang lalaki! Ako ang totoong anak mo at iniwan mo si mama! Ngayon, sabihin mo papa....sinong unfair huh? Sino?!"
Ramdam ko ang pag guho ng bawat gusali nang aking pagkatao. Ramdam ko ang pagkapunit ng aking puso sa mga narinig. All my life,hindi ako nagduda sa pagkatao ko. All my life dad is the best father for me.
Umalpas ang hikbi sa aking labi. Nanginginig ang aking tuhod. Tinitigan ko si Stella na lumuluha.
"S-Sorry...Cat. I'm sorry."
Umiling ako. Tinignan ko si papa. "Papa..totoo ba?"
Humakbang si papa palapit sakin. Gusto akong yakapin subalit umatras ako.
"Totoo ba?!" sigaw ko. Sapo ang sariling dibdib sa sobrang sakit.
Hirap na hirap si papa na tumango. Halos mawalan ako ng lakas dahil doon.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...