Ang gabing iyon na hindi ako pinatulog dahil sa sakit na nararamdaman. Ni hindi ko nakita si Ezekiel dahil pinili ko ang magkulong sa kuwarto.
Ang gabing kulang sa tulog pero ang aking naging umaga ay tila ka'y gaan. Naging magaan ang aking pakiramdam dahil sa desisyong pinili.
Bago ako natulog kagabi ay nakausap ko si Manuel. He came here. Furious and mad ape. Galit siya sa sariling kapatid.
Hindi pa masyadong halata ang aking tiyan. At tulad ng dati ay masustansyang pagkain ang hinihain ni yaya Nora sa mesa. I smiled, sadly. I will miss this. I will miss everything who turned me into responsible person.
Dito ako natutong maglinis. Dito ako namulat na ang pera ay hindi basta bastang winawaldas. Dito ako namulat sa lahat. Sa puder ni Ezekiel.
"Ya, masakit po ba ang manganak?"
"Sobrang sakit hija. Pero ang sakit na iyon ay walang wala kapag nahawakan mo na at nahagkan ang 'iyong anak."
Napangiti ako.
"At mas lalakas ka kapag hawak mo ang kamay ng lalaking ama ng anak mo." dugtong nito na ikinatahimik ko.
Dumating si teacher Tacio sa araw na iyon. Ginampanan ko ang araw na iyon bilang studyante. Ang simpleng bagay na nakikita ko
Ang mga taong ito, ang aming kwarto na punong puno ng alaala. Ang dating yakap at halik ni Zeke ay nagbigay sikip at sakit sa aking dibdib at halos gusto ko ng umiyak.Nangingilid ang aking luha habang pasimpleng pinupunasan iyon na hindi nahahalata ni teacher Tacio.
Pagkatapos noom ay nilaan ko ang oras sa veranda. Nakatulala at nagbibilang ng minuto hanggang naging oras. Nakatulog ako sa couch na naroon.
Alas tres ng hapon ng dumating si Ezekiel na hindi ko inaasahan. Hindi niya ako tiningnan o pinansin. Nagbilin lang ito ng kape kay yaya at pumasok sa kanyang study room.
Nangingilid ang akong luha na sumunod doon. Pagkabukas ko ay nakitaan ko siya ng gulat at biglang naging malamig.
He cleared his throat. May iilang papeles siyang binabasa at pinipirmahan.
"Anong kailangan mo?"
Kinagat ko ang aking labi ng tinitigan niya akong nakatayo.Nakabuhayhay ang buhok, naka puting bestida at nakapang bahay na tsinelas.
Kinagat ko ang labi at umupo sa upuan katapat ng mesa niya.
"Gusto ko lang itanong k-kung m-minahal mo ba ako?" pikit mata kong tanong.
Tumaas ang kilay niya at umiwas.
"Ano sa tingin mo?"Napaahon ang aking titig at mariin siyang minasdan. Pa salit salit siyang natingin sa aking mata.
I licked my lips. "A-alam ko na napasubo kalang sa sitwasyong ito."
Hindi siya umimik. Nanatiling seryoso at matibay ang kanyang ekspresyon.
He's totally handsome. Devilishly handsome.
"S-Sobrang mahal kita." For the last time ,I confessed. "Eversince I l-laid my eyes on you ay naging baliw na ako s-sayo."
Huminga ako ng malalim. Sobrang tahimik at sariling tibok ng puso ko ang naririnig.
"Mahal na mahal kita. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Pero mahal parin kita. Ang pagmamahal na iyon na nagbigay sakit sa akin sa tuwing nakikita kitang buong pagmamahal na tinitingnan si Aurora."
Now, I got his full attention. Just like that huh? Aurora's name triggered him?
"I heard you last n-night." Nanubig ng tuluyan ang aking mata. "And you know what? Nasasaktan ako dahil kinulong kita sa relasyong ito. Nasasaktan ako dahil hindi ka nabigyan ng pagkakataon na mahalin ang babaeng mahal mo."
"What are you saying?!" he asked, hissing. Umiling ako na ikinaawang ng labi niya.
Unti-unti kong' hinubad ang aming engagement ring at nilapag sa kanyang mesa. I saw him swallowed at kung hindi siya ang kilala kong Ezekiel ay baka isipin kong natatakot siya sa oras na ito. But no. Ezekiel would never be afraid of losing me.
"P-Pinapalaya na kita." I whispered. I smiled as my tears fell.
Unti-unti akong umatras. Bigla siyang tumayo pero tumigil ng makita ang pagdanak ng aking luha.
Sa kabila ng luha ay ngumiti ako. "Hindi ako magiging selfish dahil sa pag ibig. My love for you will never fade. Y-You're free n-now."
"What are you talking Catalena?!" he growled deeply. Madilim ang ekspresyon pero namumula ang dibdib at mata. Umiling ako at tumakbo palabas.
Dahil sa liit ay maliksi akong tumakbo at kahit sa elevator ay hindi niya ako naabutan. Isang malakas na suntok ang aking narinig sa labas ng elevator ng sumara ito.
Parang binubombahan ang aking dibdib. Walang kasing sakit ang pagpaparaya. Ang isang sakit na hindi nakakamatay pero dinudurog ka pa unti unti.
I ran fast. Sa basement nakaabang na ang sasakyan ni Darla. Mabilis akong sumilid doon at humarorot iyon paalis. Hindi ako lumingon.
"Don't you dare look back! You bitch!" Darla warned. Tinakpan ko ang mukha ng aking palad at umiyak.
"You better cry now than forever Cat. Staying with him means of endless tears. You just chose the right decision." she said coldly.
"If he loves you. He will chase you. Iyon ay kung makikita ka pa niya."
"God! Ang sakit!" I cried more. Naisip ko ang magiging araw ko na wala siya ay nakakapanibugho. But I will stand with my decision.
He will never know a thing. Hindi na ako mangungulit. Hindi na ako hahadlang sa mga gusto niya. I am just a big bile in his throat.
Isang malakas na pagpreno ang nagpatili sa amin ni Darla. Halos tumalsik kaming dalawa.
"Fuck!?" Galit na sigaw niya.
"Senyora! M-meron pong h-humarang." natatakot na sagot ng kanyang driver.
"Stupido! Edi' banggain mo!"
"D-Darla."
Huli na ang lahat dahil lumabas na si Ezekiel sa kanyang kotse at halos takbuhin ang kinaroroonan ko.
Umirap si Darla ng buksan niya ang pintuan at hinigit ako palabas.
Taas-baba ang kanyang dibdib at namumula ang mga mata.
Pinagmasdan niya ako at nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata. Halos manlumo ako sa nakikita.
"W-Where are you g-going? Fuck! W-where are y-you going?" bulong niya.
Bago pa ako makasagot ay may tumulak na sa kanya dahilan para mawala ako sa hawak niya. Hinila agad ako ni Darla at nakita kong nagsuntukan si Manuel at Ezekiel.
Fuck. Si Manuel ang naghila kay Ezekiel!
Nagsanhi kami ng traffic sa daan. Ang makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang umiyak. Pumatak ang ulan.
Nasapo ko ang bibig nang makita si Ezekiel na tinulak si Manuel.
"Fuck you!" Nanggagalaiting sigaw niya kay Manuel na may kasamang dalawang body guards para hawakan lalo si Ezekiel.
"This is my fucking life Manuel! What are you doing?! Gusto mo patayin kita?!" basang basa na si Ezekiel at halos hindi ko makayanang makita siyang ganito.
"Hindi mo mahal di'ba?! Ba't mo hinahabol?! Pagkatapos mong halikan si Aurora? Magdusa ka!" Sigaw pabalik ni Manuel at ang naging sagot ni Ezekiel ay tadyak para makapunta sa kinaroroonan ko.
Umurong ako at umiling. Halos hindi ko siya makita dahil sa aking luha. Hinila ako ni Darla para makapasok sa sasakyan.
Namilog ang mata ni Ezekiel. At tinakbo ako pero hinarangan ulit ni Manuel.
Sinuntok niya ng malakas si Manuel! "Papatayin kita! I'll sue you!" Sigaw ni Ezekiel.
Hinila na ako ng tuluyan ni Darla at pinasok sa sasakyan.
"Cat! Fuck! Catalena!!" huling sigaw niya na aking narinig. Binalot ako ng yakap ni Darla.
Humarurot paalis ang sasakyan.
"Fuck! You ruined my dress! I'm wet!" pagalit na sigaw sakin ni Darla pero niyakap ako ng mariin. My dear friend cried with me.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...