Pain and Pleasure 34

79.7K 2.7K 389
                                    

   "Ingatan mo 'yan. Nag iisa nalang 'yan." William warned Zeke. Tipid lang na tumango si Zeke kay William. I hugged my brother so tight. Kahapon ay  buong araw naming binuhos ni Zeke ang oras sa kambal. Ayaw ipasama ni William ang kambal. Gusto niya 'raw munang alagaan ang mga ito para may kalaro si Hope.

  Huminga ako ng malalim at inayos ang aking seat belt. I wasn't sure about this.Sabihin na nilang marupok ako but atleast I tried. I will try if there's still a spark between us. Susubukan kong alamin kung katulad parin nang dati ang nararamdaman ko bukod sa malikot na pagkabog ng puso ko kapag nandiyan siya.

I am wearing a smokey top and a highwaist jeans. Nasa compartment narin ng sasakyan niya ang aking dalang isang maleta. His lips pursed when I saw him. He arched his head and licked his lips.

"Are you sure about this baby?" he whispered and leaned closer. I bit my lowerlip.

"Y-Yes." I sighed. Halos ayokong bumuga ng hangin dahil sobrang lapit niya. "Saan tayo pupunta?"

Inayos niya ang hibla ng aking buhok.
"If where's my baby wants." he huskily said. Nangunot ang noo ko dahil kahapon niya pa ako tinatawag na 'baby".

"Stop c-calling me that Zeke." iritable kong saad. He smiled at muling nagseryoso. Tila ayaw ipakitang nangungulit siya sakin. Hindi talaga ako sanay na ganito siya! Ang awkward!

"But you are my baby." he mocked. Ayaw patigil sa kung anumang trip niya ngayon. He looks so fresh with his white t-shirt and black pants. Tanging relo niya lang ang kolorete sa kanyang katawan.

Gusto niyang bigyan ko siya ng isa pang chance sa loob ng isang linggo para mapatunayan niya sakin na nagbago na siya. Okay, sige. Sasakyan ko ang mga pakulo niya ngayon.

"Hmmmn. I wanna go to Kabiang Resort in Nasugbu , Batangas." Napaisip ako kung napuntahan ko na ba iyon noon. "Hindi pa pala namin 'yun napuntahan noon ni papa." Tiningnan ko siya pabalik at nahuling nakaawang ang kanyang labi. His eyes glittered with happiness and contentment.

Ngayon ko lang natanto rin na parang bumalik ako sa dating ako. Iyong hindi nahihiyang magsalita sa harapan niya at nangungulit. Dahil nga, binigyan ko siya ng second chance.Ayoko naring ikulong ang sarili ko sa madilim na kahon. Kahit ngayong linggo lang. Ilalabas ko ang dating Catalena na noon pa nakakubli sa kadiliman.

Ngumisi ako. Gustong lumabas ng aking luha pero pinigilan ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko.

"Tara na?! Sabi mo kung saan ko man gusto di'ba?" masayang sabi ko.

He licked his lips and nodded. He cupped my face. "I-I miss you." sabi niya at pinatakan ako ng halik sa labi. Hindi ako umalma. Hinalikan ko siya pabalik na ikinahigpit ng hawak niya sa aking baywang.

He licked and suckled my lower lip before he stop. "Oh fuck. I can't wait to make love with you." malutong na pagkakasabi niya doon  na tila gigil.

Ngumisi lang ako at tumahimik. Halos limang oras kaming dumating sa Nasugbu dahil sa mabigat na biyahe mula Manila. Mabuti nalang noong nasa Cavite na ay hindi na traffic.

Naaliw ako sa mala-probinsyang kapaligiran na aming nadadaanan. Matatayog na kakahuyan. May nakita pa akong mga unggoy na sumasabit sa mga puno. Halos walang masyadong kabahayan dito. Marami kaming Hotel and Resorts na nadaanan. May mga panaka nakang sasakyan kaming nakakasalubong na mukhang galing rin sa isa sa  mga resorts dito sa Nasugbu.

Nang tiningnan ko ang aking relo ay alas tres na nang hapon. Zeke looks so energetic kahit buong araw siyang nagadrive.

"We're here." aniya. Napatitig tuloy ako sa malaking poster nila na "Welcome to Kabiang Beach Resort."

Pain and PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon