Nag uusap si Ezekiel at papa malapit sa tanawin ng mga gusali. Kapwa sila may hawak na alak at masinsinang nag uusap. Naiwan kami ni Don Juanito sa mesa. Hindi pa'ko handa na makasama ulit si Ezekiel habang hindi pa kami nakakapag usap. Pero hindi ko rin kaya pang makipag usap. Hindi ko siya kayang harapin.
Nararamdaman kong may mga bagay na magbabago.
"Tiwala ako sa desisyon ng anak ko." Napasinghap ako sa sinabi ni Don. "I know him. Aaminin ko rin na hindi ko gusto ang nabalitaan ko. Hindi pa kami tuluyang nakakaahon sa malungkot na trahedya. Pero ayoko ring harangan ang gusto ng anak ko. Sana hindi na maulit."
Malamig ang boses nito at hindi ko mapalitan ang intensidad ng kanyang titig. All I could see was pain and anger. Kasalanan ko. I was too numb and irresponsible. I trust too much. Bagay na nagbigay leksyon sakin.
"H-Humihingi po ako ng kapatawaran D-Don. Pasensya po."
"Wa'g sakin kundi sa anak ko." sagot nito at uminom sa alak nito. Sakto ring bumalik na sila papa at Ezekiel.
"Gusto ko lang kausapin muna ang anak ko." Sinulyapan ako ni papa. Nangunot ang aking noo. Hindi makuha ang ibig niyang sabihin.
"Fine." lumipat ang titig sakin ni Zeke. His keen stares gaves me goosebumps. Napalunok ako at umiwas. I am guilty, dahil sa ibang pagkakataon ay madaldal ako at nangungulit. Tumayo ako at sinundan si papa.
"Anong pinag usapan niyo papa?" nag aalalang tanong ko. Papa massaged his nose.
"He want you back anak."
Umiling ako at napalunok. "Not now pa.Please."
Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at hinalikan sa noo.
"Mas safe ka sa kanya anak. May mga plano siya para sayo at magsasampa tayo ng kaso. Kailan nating kumilos sa lalong madaling panahon."
Tumango ako kinakabahan parin. "I don't know what to do without you pa."
Hinaplos niya ako at niyakap. Sa pagyakap sakin ni papa ang siyang pagtama ng tingin namin ni Ezekiel na nasa tabi ng papa niya. Umiwas siya ng tingin at humalukipkip.
Naging sunod sunoran ako sa gusto ni Ezekiel. Pagkatapos ng aming pag uusap sa hotel na iyon ay namalayan ko nalang ang sariling nagpapaalam kay papa. Halos hindi ko siya kayang bitawan.
"I'll call everyday. Mag uusap rin tayo ulit." pagsisiguro ni papa. Wala akong nagawa kundi ang tumango.
When Don and papa left. Nakadama na ako ng sobrang kaba. I am scared and shy. Hindi ko nagampanan ng mabuti ang pangako ko. Ang mga pagsusuyo ko sa kanya noon. Bigla iyong nalaho na parang bula at nasasaktan ako dahil gustuhin ko man na pagpatuloy iyon. Alam ko sa sarili ko na nabahiran na ang pagkatao ko.
Imbes na masiyahan sa kanyang desisyon bakit lalo akong nasasaktan.
Nararamdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. Huminga ako ng malalim at nilingon siya. Isang titigan bumawi ako agad.
"Zeke I'm sorry-"
"Let's go." hindi pa natapos ang sasabihin ko umalis na ito at tinalikuran ako para sumakay sa kanyang sasakyan. May sinabi siya sa isang driver doon.
Halos magkumahog ako para sumunod sa kanya. Nauna siyang pumasok kaya binuksan ko nalang ang pintuan para makapasok ako.
"Don't you dare step inside my car." babala ni Ezekiel. Hindi ako nililingon. Halos manlamig ako.
"H-Huh?" My voice cracked.
"Ma'am. Dito po tayo sa susunod na sasakyan." sabi ng driver na kausap kanina ni Zeke. Nilingon ko muli si Zeke pero umiwas na ito. Nanginginig kong sinara ang pinto at napatili ng walang sabing pinaandar niya na ito at naiwan akong nausukan ng kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Pain and Pleasure
Romance[Filipino Book] At a young age Catalena learned to love Ezekiel Montenegro. She was desperate and she chased him. She achieved the love she sought from him. But one night, she made a mistake, the mistake that destroyed all she had worked so hard...